Ang Katawan Ni Cristo
Si apostol Pablo ay nagtuturo sa atin, "Kayo nga ang katawan ni Cristo, at bawa't isa'y samasamang mga sangkap niya" (1 Mga Taga Corinto 12:27). Pagkatapos nangusap pa siyang may pinatutungkulan, "Sapagka't ang katawan ay hindi iisang sangkap, kundi marami....Datapuwa't maraming mga sangkap nga, nguni't iisa ang katawan: Kayo nga ang katawan ni Cristo" (12:14,20,27).
Ang sinasabi ni Pablo, "Tingnan ninyo ang sarili ninyong katawan. Mayroon kayong mga kamay, paa, mata, tainga. Hindi kayo nakahiwalay na utak, na hindi kakabit sa iba pang sangkap."
At itinuro rin ng apostol, "Ay gayon din tayo, na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at mga sangkap na samasama sa isa't isa" (Mga Taga Roma 12:5). Sa iba pang pananalita, hindi lamang tayo nakaugnay kay Cristo, ang ulo. Tayo rin ay magkakaugnay sa bawa't isa. Ang katunayan, hindi tayo maaring nakaugnay sa kanya na hindi tayo nakaugnay sa ating mga kapatid na lalake at babae kay Cristo.
Dinala ni Pablo ang kanyang ipinaliliwanag, nagsasabi, "Ang tinapay na ting pinagpuputolputol, hindi baga siyang pakikipagkaisa ng katawan ni Cristo? Bagaman tayo'y marami, ay iisa lamang tinapay, iisang katawan, sapagka't tayong lahat ay nakikibahagi sa isa lamang tinapay" (1 Mga Taga Corinto 10:16-17). Sa madaling sabi, tayo ay binubusog ng iisang pagkain: si Cristo, ang mana mula sa langit. "Sapagka't ang tinapayna Dios ay yaong bumababang mula sa langit, at nagbibigay buhay sa sanglibutan" (Juan 6:33).
Sa kanila'y sinabi ni Jesus, ako ang tinapay ng kabuhayan....ako ang tinapay na buhay na bumabang galing sa langit.....gayon din naman ang kumakain sa akin, siya nama'y mabubuhay dahil sa akin" (Juan 6:35,51,57). Ang larawan dito ng tinapay ay mahalaga. Ang sinasabi sa atin ng Panginoon, "kung magsisilapit kayo sa akin, kayo ay hindi magugutom. Kayo ay magiging karugtong ko, na bilang sangkap ng aking katawan. Kung ganoon, makakatangap kayo ng lakas mula sa buhay na dumadaloy mula sa akin." Tunay nga, bawa't sangkap ng katawan ay kumukuha ng lakas mula sa iisang pinamumulan: si Cristo, ang ulo. Lahat ng ating kailangan upang pangunahan ang mapagtagumpay ng pamumuhay ay dumadaloy sa ating mula sa kanya.
Ang tinapay na ito ay siyang nagpapakikilala sa ating bilang mga sangkap ng kanyang katawan. Tayo ay inihiwalay mula sa karamihan dahil tayo ay kumain mula sa iisang tinapay: si Jesucristo. "tayong lahat ay nakikibahagi sa isa lamang tinapay" (1 Mga Taga Corinto 10:17).
Ang ibang Cristiano ay ayaw makipagugnay sa ibang mga sangkap ng katawan. Sila'y nakikipagisa kay Jesus, nguni't sinasadya nilang ihiwalay ang sarili nila sa iba pang mananampalataya. Hindi sila nagnanais na makibahagi sa katawan, maliban sa ulo.
Datapuwa't ang katawan ay hindi maaring mabuo lamang ng iisang sangkap. Naisalalarawan ba ninyo ang ulo na iisa lamang ang tumutubo mula dito? Ang katawan ni Cristo ay hindi maaring mabuo lamang ng ulo, na walang mga buto o mga sankap na iba pa na pangangailangan ng katawan. Ang katawan niya ay binubuo ng maraming sangkap. Hindi tayo maaaring makipagisa kay Cristo na hindi tayo makikipagisa rin sa katawan niya.
Nakita ninyo, ang ating pangangailangan ay hindi lamang sa ulo. Ito ay para sa buong katawan.
Tayo ay pinagisang samasama hindi lamang sa pangangailangan para kay Jesus, nguni't ganoon rin sa pangangailangan para isa't isa. Si Pablo ay nagsabi, "At hindi makapagsasabi ang mata sa kamay, Hindi kita kinakailangan; at hindi rin ang ulo samga paa, Hindi ko kayo kailangan" (1 Mga Taga Corinto 12:21).
Pansinin ang pangalawang bahagi ng saknong. Kahit na ang ulo ay hindi makapagsasabi sa ibang sangkap, "Hindi kita kinakailangan." Anong kamanghamanghang pangungusap. Ang sinasabi ni Pablo, "Hindi kailanman sasabihin ni Cristo sa alin mang kanyang mga sangkap ng kanyang katawan, Hindi kita kailangan.'" Ang ating ulo ay nais na makipagugnayan sa bawa't isa sa atin. Karagdagan pa, sinasabi niya na tayo ay lahat na mahalaga, higit pa sa pangangailangan, upang makakilos ng maayos ang katawan.
Ito ay lubhang totoo sa mga sangkap na lubhang nasugatan at nasasaktan. Pinagdiinan ni Pablo, "Hindi, kundi lalo pang kailangan yaong mga sangkap ng katawan na wari'y mahihina" (12:22). At idinagdag pa ng apostol, "At yaong mga sangkap ng katawan na inaakala nating kakaunti ang kapurihan, sa mga ito ipinagkakaloob nating ang lalong saganang papuri; at ang mga sangkap nating mga pangit ay siyang may lalong saganang kagandahan" (12:23). Ipinatutungkol niya ito doon sa mga katawan ni Cristo na hindi nakikita, nakatago, hindi kilala. Sa mata ng Dios, itong mga sangkap na ito ang may pinakamalaking papuri. At sila ay tiyakang napakahalaga sa gawain ng katawan.
Ang bahaging ito ay may kagilagilas na kahulugan sa ating lahat. Ang sinasabi ni Pablo sa atin, "hindi mahalaga kung gaano kababa ang pagtingin sa sarili. Maaring isipin mong hindi ka karapat dapat na Cristiano. Datapuwa't ang Panginoon mismo ang nagsasabi, "mayroon akong pangangailangan sa iyo. Hindi ka lamang mahalagang sangkap ng aking katawan. Ikaw ay lubhang pangangailangan upang ito ay makakilos."
Bawa't isang talinghaga in Cristo ay naglalaman ng nakatagaong katotohanan ng Dios. Ang mga lihim na ito ay talastas ng Ama, Anak at Banal na Espiritu mula pa ng itatag ang sanglibutan: "Bubukhin ko ang aking mga bibig sa mga talinghaga; Sasaysain ko ang mga natatagong bagay buhat nang itatag ang sanglibutan" (Mateo 13:35). Nagpatotoo si Jesus na ang mga nakatagong katotohanan ay ipinahahayag lamang sa mga taong naglalaan ng panahon para hanapin siya.
Sa Mateo 22, nabasa natin ang talinghaga na ako'y naniniwala naghahayag tungkol sa katawan
ni Cristo. Dito, iginuhit ng Dios ang kanyang walang hanggang hangarin sa pagtatayo ng katawan na mananampalataya. Sa madaling sabi, nagnanais siya ng kasintahang babae para sa
Anak niya. Ang kasintahang babaeng ito ay nararapat na makipagisa kay Jesus, bilang iisang laman, isang katawan. Si Cristo ang kanyang mismong magiging buhay, ganoon na rin ng pagkukunan. Siya ay nakaugnay sa kanya, at siyang babae naman ay sa lalake.
Nagsimula si Jesus sa talinghaga sa pagsasabi ng: "Tulad ng isang hari na naghahanda ng piging ng kasalan ng kaniyang anak na lalake, at sinugo ang kaniyang mga alipin uapng tawagin ang mga inanyayahan sa piging ng kasalan: at sila'y ayaw magsidalo" (Mateo 22:1-3). Ang hari sa talinghaga na ito ay maliwanag ang Dios Ama. At ang anak dito ay si Cristo.
Dito makikita natin ang Ama na pinadadala ang Banal na Espiritu upang hanapin ang kasintahang babae ng kanyang Anak. Ang kasintahang babae, tunay nga, ay ang simbahan ni Jesucristo. At ang kasintahang babae ay binubuo ng maraming sangkap. Sa katunayan, siya ay binubuo ng bawa't tao na tumangap sa paanyaya ng hari para sa kasalang hapunan.
Datapuwa't sinabi ni Jesus sa susunod na talata, "At sila'y ayaw magsidalo" (22:3). Siya ay nangungusap dito ng sarili niyang pagtuturo sa mga Judeo. Nagsumamo siya sa Israel na tangapin si Cristo, nguni't tinangihan nila. Ang sabi ng Banal na Kasulatan, "Siya'y naparito sa sariling kaniya, at siya'y hindi tinangap ng mga sariing kaniya" (Juan 1:11).
Kaya't sinubukang muli ng hari minsan pa: "Muling nagsugo siya ng ibang alipin, na sinasabi, Sabihin ninyo sa mga inanyayahan, Narito, inihanda ko na an g aking piging; pinatay ko ang aking mga baka at mga hayop na matataba, at ang lahat ng mga bagay ay nahahanda na; magsiparit kayo sa piging ng kasalan. Datapuwa't hindi nila pinansin, at sila'y nagsiyaon sa kanilang lakad, ang isa'y sa kaniyang sariling bukid, ang isa'y sa kaniyang mga kalakal: at hinawakan ng mga iba ang kaniyang mga alipin, at sila'y dinuwahati, at pinagpapatay" (Mateo 22:4-6).
Hindi lamang pinatay ng mga Judeo si Cristo, pinatay rin nila ang mga apostoles na nagsisunod sa kaniya. Kaya't sinabi sa atin ni Cristo, "Datapuwa't ang hari ay nagalit; at sinugo ang kaniyang mga hukbo, at pinuksa ang mga mamamataytaong yaon, at sinunog ang kanilang bayan"(22:7). Nagsasalita si Jesus ng may panghuhula dito. Isang dekada lamang pagkatapos ng kanyang kamatayan, ang hukbong Romano ay pumaroon sa Jerusalem upang sirain ang banal ng lungsod. Sa unang kasaysayan ng Israel, ginamit ng Dios ang Assyria upang ituwid ang kanyang mga tao. Ngayon pinadala niya ang mga heneral ng Romano "Vaspian at Titus upang sunugin ang Jesusalem. Kaya't ang hula ni Jesus ay nangyari sa nasusulat: "Narito, ang inyong bahay ay iniwan sa inyong wasak" (23:38).
Ang susunod na talata sa hula ay nagsasad ng pinakabuod ng aking mensahe tungkol sa katawan ni Cristo. Sinasabi sa atin ni Jesus, "Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniyang mga alipin. Nahahanda ang kasalan, nguni't hindi darapatdapat ang mga inanyayahan. Magsiparoon nga kayo sa mg likuang lansangan, at anyayahan ninyo sa piging ng kasalan ang lahat ninyong mangasumpungan. At nagsilabas ang mga aliping yaon sa mga lansangan, at kanilang tinipon ang lahat nilang nangasumpungan, masasama at mabubuti: at napuno ng mga panauhin ang kasalan" (22:8-10).
Mula sa Bungo, ang katuruan ay pinalabas sa lahat ng mga sangkatauhan: Judeo at Gentil, alipin at hindi alipin, mayaman o mahirap, mabuti at masama. Ito ay kung paano "ang kasalan ay napuno ng panauhin" (22:10). Unawain ninyo, ang tagpong ito ay hindi ang tungkol sa kasalang hapunan ng Kordero. Ang piging ay mangyayari pagkatapos ng paghuhukom. Hindi, ang hapunan na ito ay ang piging ng kasalan. At ang mga panauhin ay yaong sumunod sa pagtawag na tangapin si Cristo bilang Panginoon.
Isipin ninyo iyon. Sangayon kay Jesus, ang kasintahang babae ay binubuo ng "ang lahat nilang nangasumpungan, masasama at mabubuti" (22:10). Ang mga panauhin ay mga taong dating mga masasama: mga sugapa sa bawal na gamot, alkohol, mga nagbebenta ng dangal, mamatay ng tao, sugarol, mga nagbebenta ng bawal na gamot. Datapuwa't ito ay nabibilangan rin ng mga dating mabubuting tao, yaong minsan ay umaasa sa kabutihan ng laman.
Ngayon lahat sila ay nabago. Kanilang ipinahayag ang kanilang mga kasalanan at sila ay hinugasan nilinis ng dugo ni Cristo. Katulad ng karamihan na umaawit bawa't linggo, sila ay nagpatotoo, "Dinala niya sa bahay na may pigingan, at ang kaniyang watawat sa akin ay pagsinta" (Mga Awit Ng Mga Awit 2:4).
Noong sinabi ni Jesus na ang piging ay "napuno" ng mga panauhin, sa Greigo, ang ginamit niya ay "pletho". Ang ibig sabihin ay punuin. Sa madaling salita, ang mga panauhin dito ay nagpapakilala ng nilinis, nabawing katawan ni Cristo. Sila ay nabahaginan, at napuno ng Banal na Espiritu ng Dios. At dinamitan bawa't isa sa kanila ng puting suot pangkasal.
Kadalasan, iniisip natin na ang piging ng kasalan ay nagtatagal ng mga ilang oras. Sa kaugalian ng Judeo sa kapanahunan ni Cristo, ang piging ay maaring magtagal hanggang pitong araw. Nguni't sa Dios, ang isang araw isang libong taon. At sa talinghagang ito, ang piging nating nakikita ay nagtatagal simula pa sa Bungo. Ito ay nagpapatuloy sa daan-daang taon na. At hindi ito matatapos hanggang sa pagbabalik ng Kasintahang lalake.
Mga minamahal kong mga santo, napagisipan na ba ninyo kung ano ito? Bawa't araw ay ang araw ng iyong pagpapakasal. Bilang sangkap ng katawan ni Cristo, ikaw ay bahagi ng kaniyang kasintahang babae. Ang ibig sabihin bawa't umaga sa pagising mo, dapa't mong isuot ang iyong puting pangkasal na kasuotan. Kung ito nagkaroon ng dungis or dumi, nararapat na dalahin mo ito sa kaniyang Salita, upang hugasan at linisin. At iyong isusuot ang singsing na simbolo ng kasalan sa lahat ng oras. Nagpapakilala ito na ikaw ay nag-asawa na, at sinarahan ito ng Banal Na Espiritu. Panghuli, ikaw ay nararapat na makikain ng tinapay ng langit: si Cristo, ang makalangit na mana.
ANG PIGING NG KASALAN AY NANGYAYARI SA BAWA'T ARAW SA KATAWAN NI CRISTO. DATAPUWA'T, ANG HINDI INANYAYAHANG PANAUHIN AY NATAGPUANG NAKIKISALAMUHA SA PIGING NA ITO. At nagpatuloy si Jeus sa talinghaga:
"Datapuwa't pagpasok ng hari upang tingnan ang mga panauhin, ay doo'y nakita niya ang isang tao na hindi nararamtan ng damit-kasalan: At sinabi niya sa kaniya, Kaibigan, ano't pumasok ka rito na walang damit-kasalan? At siya'y naumid. Nang magkagayo'y sinabi ng hari sa mga naglilingkod, Gapusin ninyo ang mga paa at mga kamay niya, at itapon ninyo siya sa kadiliman s alabas; diiyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin" (Mateo 22:11-13).
Sino ang taong ito sa talinghaga? Maliwanag, ang kaniyang pagkakakilanlan ay mahalagang bagay, dahil sa masamang kapalaran na kanyang tiniis. Ang ibang tagapagbigay kahulugan ay nagmumungkahi na ang tao ay nagpapakilala ng mga nagsilapit kay Cristo na nararamtan ng karumihan ng kanilang pagiging mabuti sa sarili. Ang larawan ay mahina, nadidimlan, kaluluwa na hinahatulan ng kaniyang sarili bilang nagsisikap sa sarili.
Hindi ko tinatangap ang pagpapakahulugang ito. Magugulat kayo kung sasabihin ko sa inyo kung sino ang taong ito. Nakakita ako ng tanda noong tinawag siya ng hari bilang isang "Kaibigan." Ginamit ni Jesus ang parehong salita upang patungkulan si Judas, bago siya ipinagkanulo. Ako ay naniniwala ang hari sa talinghagang ito ay gumagamit ng salita na may malaking kakutyaan. Pagkatapos ng lahat, ipapadala niya ang taong sa impeyerno.
Sa aking haka-haka, ang panauhing ito ay ang taong makasalan mismo: si Satanan. Nakikita ko siya na nakikihalobilo sa piging, nakasuot ng maganda, kulay ubeng kasuotan na siya ang nagyari, at hindi ang itinakdang kasuotan. Siya ay ang tunay na larawan ng pagmamataas o kayabangan.
Bakit hindi pinigil ang makasalang taong ito sa pintuan? Ako ay naniniwala na si Zacarias ay nagbigay ng sagot. Ang propeta ay nagsabi, "At ipinakita niya sa akin si Josue na pangulong seserdote na nakatayo sa harap ng anghel ng Panginoon, at si Satanas na nakatayo sa kaniyang kanan upang maging kaniyang kaaway. At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Sawayin ka nawa ng Panginoon, Oh Satanas; oo, ang Panginoon na pumili ng Jerusalem ay sumaway nawa" (Zacarias 3:1-2).
Si Josue, tunay nga, ay nagpapakilala bilang mataas na paglilingkod bilang seserdote, yaong iniligtas ni Jehovah. Sa mga mananampalataya sa ngayon, siya ay nagpapakikilala ng katawan ni Cristo, ang malaking paglilingkod bilang seserdote ng Dios. Sa pangitain ni Zacarias, si Satanas ay nakatayo na katabi ni Josue upang "pigilan siya." Ang salitang pigilan dito ay may kahulugang upang daluhungin or pagbintangan.
Nais kong ipahayag sa inyo, hindi ko alam kung bakit si Satans ay pinapayagang pagbintangan at daluhungin ang mga anak ng Dios. Datapuwa't alam ko kung ano ang sinasabi ng Dios na mangyayari sa ating mga kaaway: "Sapagka't inihagis na ang tagapagsumbong sa ating mga kapatid na siyang sa kanila'y nagsusumbong s harapan ng ating Dios araw at gabi" (Apolicapsis 12:10). Isang araw, gagapusin ng Panginoon ang diablo at ihahagis siya sa walang katapusang kulungan.
Datapuwa't hindi pa ito nangyayari. Samantala, alam na ni Satanas na ang panahon niya ay malapit na. Kaya't siya ay lumalaban sa katawan ni Cristo na may matinding galit. Tunay nga, ang kanyang mga pagdaluhong ay may tanda ng katapangan at katatagan na hindi pa natin nakikita noon. Bakit? Alam niya na ang malaking nakatatakot sa kanya ang katawan na nilinis ng dugo ng mga mananampalataya, na lumalakad na may pagkakaisa. At dito sa mga huling aaw, ang Banal na Espiritu ay nagsagawa ng kahanga-hangang gawain na magtayo at magsamasama ng mga santo sa buong mundo.
Ang mga matatapat na tagapaglingkod na ito ay tumatayo bilang iisang katawan. Nagiibigan sa bawa't isa, nanalangin para sa bawa't isa, nagpapagaling para sa mga nanghihina at nasusugatan. At sila ay tumatayo rin ng magkakasama sa paglaban sa kasamaan. Sila ay nakikipaglaban sa kaaway, ginagapos ang kaharian niya, inihahagis ang mga pinnunu ng kasamaan, ginagamit ang kapangyarihan laban sa malaimpeyernong kapangyarihan.
Nakita natin ang mga huling araw na hukbo ni Jesus sa talinghaga, pinangangatawanan sa piging ng kasalan. Ang mga nilinis ng dugong sundalo ay pinagsamasama sa piging ni Cristo, kung saan sila lumalago na malakas sa pagkain sa kaniyang tinapay. At mayroon silang iisang layunin: upang maging ganap na handa upang salubungin ang Kasintanhang lalake sa kanyang pagdating.
Hindi tayo dapa't na magulat na si Satanas ay biglaang pumasok sa tahanan ng Dios. Ito na ang huling sandali para sa kanya upang wasakin ang lumalagong katawan ni Cristo. Kaya't siya ay nararapat na pumasok sa piging ng kasalan na may layunin na mangwasak, sirain ang bawa't isa na maaari niyang sirain. At siya ay naniniwala na ang pinamabuting paraan upang gawin ito ay ang dayain ang mismong mga pinili ng Dios.
Paano ginawa ng diablo ang mga bagay na ito? Ginagawa niya ito sa pamamaraan na parati na niyang gawi mula pa sa Bungo: nagsinungaling siya sa yo. Pinagbintangan ka. Naglalagay siya ng pagdududa at takot sa iyong isipan. Naisalalarawan ko itong kulay ubeng anyo na palipat-lipat sa mga dulang, naghahanap sa bawa't panauhin upang dayain. Naglalagay siya ng pagdududa at takot sa kanila, malumanay na pinagbibintangan sila, at sinusubukang dumihan ang maputing kasuotan.
Ako ay naniniwala na matatagpuan natin ang susi ng pagalaw ni Satanas sa Genesis 3. Nagtagumpay ang diablo upang tuksuin si Eva. Ngayon ay sinabi ng Dios, "At papagalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong" (Genesis 3:15).
Ang binhi ng babae dito ay ipinatutungkol kay Jesus. Sa ibang salita, ang Mesias ay mangangaling mula sa laman ng tao. At ang propesiya ng Dios ay naging tagumpay sa krus. Sa Bungo, ilalagay ni Cristo ang kanyang sakong sa ulo ni Satanas at dudurugin siya.
Nguni't nagpropesiya rin ang Panginoon na dudurugin rin ni Satanas ang sakong ni Cristo. Ano ang ibig sabihin nito, sa kabuoan? Bilang mga sangkap ng katawan ni Cristo, tayo ang kaniyang mga binhi. Kapansin-pansin, ang iba sa mga binhing ito ay siyang nagbubuo ng sakong ni Cristo sa katawan ni Cristo. Sino ang pinatutungkolan niya rito?
Binigyan tayo ng dalawang tanda. Una, ang sakong ay bahagi ng paa. Alam natin ang pangunahing gawain ng paa ay upang tumayo o lumakad. Kaya't ako ay naniniwala ang mga paa sa katawan ni Cristo ay binubuo ng mananampalataya na tumatayo para kay Jesus. Itong mga sangkap na ito ay nagsisilakad rin sa pangunguna ng Banal na Espiritu. Pansinin na ang gawain na ito ay tulungang gawain. Sila ay kadalasang nakatago at hindi nakikita. Sa ganitong kalagayan, ang paa ay ang halimbawa sa iba pang sangkap ng katawan ni Cristo.
Subali't ang paa ang siyang pinakamadaling masaktan sa bahagi ng katawan. Ito ay kadalasang nababalutan, upang maingatan. Sa ganitong kalagayan, ang kahulugan sa Hebreo ng "dudurog" ay nagiging sinasabi. Ito ay may kahulugang upang mandaya, or magsinungaling at maghintay kung kailan ka babagsak. Sa madaling sabi, ako ay naniniwala na ang mismong pinupuro ni Satanas ay mga sangkap sa katawan ni Cristo na madaling masugatan at masakan.
Maaaring may alam kayong mga Cristiano. Mahal nila si Jeus ng buong puso. Nguni't kadalasan iniisip nilang hindi sila nakakaganap sa inaasahan mula sa kanila. Sila ay lubhang nagnanais na luwalhatiin ang Dios, nguni't sila ay naniniwala na hindi nila nagawa iyon. Hindi sila nagdududa sa Dios, kundi sa sarili nila. At madali silang bumabagsak at napapailalim sa paghuhusga, pakiramdam ay walang halaga, hindi nagagamit at walang nais gumamit.
Nalalaman ng diablo ang mga bagay na ito patungkol sa kanila, dahil ang kanyang mga kampon ay kapangyarihan ay nagmasid sa buhay nila. Kaya't ngayon, noong pumasok si Satanas sa lugar ng piging ng Hari, buong-buo siyang handang dumaluhong. Umikot-ikot siya, bumubulong ng pagbibintang sa kanilang mga tainga. Ang layunin niya? Upang papaniwalain ang mga malalambot ng pusong santo na huminto na. Nais niyang sila ay maghagis ng kanilang mapuputing kasuotan ay iwan na ang piging at magsalita ng kabiguan.
- Tatanungin ko kayo: lumapit na ba si Satanas sa dulang mo? Nakarinig ka na ba ng tinig na bumubulong:
- Sa tingin ay mukhang tunay ka at banal. Datapuwa't ang puso mo naman ay maitim sa kasalanan. Iyong ibabagsak ang Dios. Ikaw ay walang kwentang mapagpaimbabaw."* Ang ibang Cristiano ay hindi ka iginagalang, dahil hindi ka pinagpala ng talino. Ikaw ay binabaliwala. Walang nagmamahal sa iyo."
- Ang iyong matandang kasalanan ay aabutan kang muli. Iyong ipahihiya ang Dios at ang mga tao nito. At ang iyong mabuting pangalan ay matatapos sa kasiraan."
- Maari mo nang kalimutan ang lahat ng mga pangakong akala mo ay ipinangako sa iyo ng Dios. Niloko kita. Iyon ang tinig ko na narinig mo."
- Galit ang Dios sa iyo. Kaya't ang panalangin ay hindi sinasagot. Madalas kang magkasala."
- Malapit ka nang mawalan ng hanapbuhay. Matatapos ka na napakahirap."
- Hindi mo na makakaya ito. Bago pa matapos ang lahat, babagsak ka na."
Araw at gabi, maririnig mo ang mga pagbibintang na ito. Sasabihin ko sa iyo, ang nais laman ni Satanas ay ilayo ka sa dulang ng piging. At pagkatapos ay gugutom ka na niya ng pagpapakain ni Cristo. Nais ka niyang ihiwalay upang lasonin ang espiritu mo. Nais ka niyang papaniwalain, "Hindi ka naman karapatdapat. Ano ang halaga ng magpatuloy ka pa? Hindi ka kailanman magiging sangkap ng banal na katawan ni Cristo."
Ang katotohanan ay, nalalaman ni Satanas na ang pinakamalakas niyang kaaway ang ang sama-samang katawan ng mananampalataya. Talastas niya ang mga pangako ni Jesus na kung ang dalawa o tatlo an magkasama-sama, ang Ama ay natutuwa ay ibibigay ang kanilang hinihingi. Kaya't siya ay handang alisin ang isa sa isa.
Sa pinakahuli ay hinarap na ng hari ang taong ito at nagtanong, "Paano ka nakapasok dito na wala kang kasuotan para sa kasalan? Ang sinasabi niya, "Ano sa palagay mo ang ginagawa mo dito, sa pamamagitan ng pang-gugulo sa mga tao ko? Akala mo ba ay hindi kita nakikita? Naniniwala ka bang hindi kita haharapin?"
Sa pinakauna pa lamang na kasinungalingan na binulong sa iyo ni Satanas, minasdan na ng Dios ang bawa't kilos niya. At gumawa siya ng hakbang upang patahimikin ang kasinungalingan ng diablo. Sinasabi ng Banal na Kasulatan na naumid ang panauhing hindi inanyayahan (tingnan Mateo 22:12). Ang sinasabi ng Dios, "Tama na ang pagbibintang sa lugar na pinagdadarausan ng piging, Satanas. Husto na ang pagsisinungaling mo sa mga tao ko."At pinagutusan ng Hari ang kaniyang mga alipin, "Igapos siya at ihagis sa kadiliman."
Ang pangwakas, ang talinghaga ay nagtatapos sa mga pananalita ng hari: Sapagka't marami ang mga tinawag, datapuwa't kakaunti ang mga nahirang"(22:14). Naisasalarawan ko na ang Dios ay nakatanaw mula sa itaas sa lugar na pinagdadausan ng piging, at nagsasabi, "Sa maraming mga taon na tumatawag ako sa Israel, sa pamamagitan ng aking mga apostol. Datapuwa't tinangihan nilang makinig. Ngayon itong mga panauhin dito sa aking tahanan ay duminig sa aking pagtawag. Sasabihin ko sa iyo, sila ang mga pinili. At hindi ko hahayaan si Satanas na alisin ang sinoman sa kanila mula sa aking katawan."
Nalalaman natin na ang diablo ay hindi pa naihahagis sa kanyang walang hanggang kulungan. Nguni't, habang tayo ay nagsasaya sa dulang ng may piging, naghihintay para sa Kasintahang lalake na dumating, binigyan tayo ng utos. Ang Hari ay nagsabi sa atin na igapos ang diablo at ihagis siya palabas sa lugar ng pinagdadausan ng piging. Sa madaling sabi, nararapat tayong tumayo ay gumawa ng totohanang pagkilos laban sa pagdaluhong ni Satanas sa katawan ni Cristo.
Kamangha-mangha, ang kautusang ito ay binabaliwala ng maraming Cristiano. Kapag nakakakita tayo ng malambot ang pusong mananampalataya na nasasaktan, iniisip natin, "Bibigyan ko siya ng kagaanan. Nais kong maging tagapakinig." O kaya naman, "Hindi ko kayang magbigay ng tulong. Dadalahan ko siya ng makakain, o kaya ay magbibigay ako tulong sa pananalapi." Ang mga ito ay gawain at makadios na pagmamahal. Datapuwa't kadalasan, hindi ito sapat.
Kung nalalaman natin na si Satanas ay nangungusap ng kasinungalingan sa buhay ng isang tao, tayo ay hinihilingan ng gumawa ng mas mahigit pa sa pakikinig o kaya ay magbigay ng payo. Pagsama-samahin natin ang mga mananampalataya at panghawakan ang kapangyarihan laban sa kaaway. Sinasabi ni Jesus ang ibang uri ng paguusig ng diablo "hindi lumalabas kundi sa pamamagitan ng pananalangin at pagaayuno" (Mateo 17:21). Kaya't sa pamamagitan ng pagaayuno at panalangin, nararapat nating igapos ang kaaway. At nararapat nating ihagis siyang palabas sa kaisipan ng kapuwa natin mananampalataya, kaluluwa at kalagayan.
Nagubos ako ng maraming mga oras upang payuhan ang bagsak na mananampalataya upang makalabas sila sa kanilang kaguluhan. Nguni't lalo ko namang nakikilala na ang diablo ay nakatayo sa ibabaw nila, pinaniniwala sila sa kaniyang mga kasinungalingan. Ngayon, kapag nakikita ko na ang diablo ay nagsasagawa ng kaniyang gawain sa isang madaling masugatang santo, ang banal na galit ay tumatayo sa akin. Napagwari ko na nararapat kong gawin ang dapat na ginagawa ng bawa't at totoong ministro sa tawag na gawain: igapos ang kamay at mga paa ni Satanas, sa pangalan ni Jesus, at ihagis siya sa kadiliman.
Ikaw ba ay namumuhay sa ulap ng pagkasiphayo? May nalalaman ka bang kapatid na lalake o babae na bagsak, nakikinig sa mga pagbibintang ni Satanas? Nagsusumamo ako sa iyo, maghanap ka ng mapanalangining mananampalataya sa katawan ni Cristo. Pumaroon ka sa mga taong totoong nakakaalam ng puso ng Dios. At hayaan mo sila ang magsabi ng kasinungalingan kung ano sila.
Ang sabi ng Banal na Kasulatan na kung ang isa sa atin ay nasasaktan, lahat tayo ay nasasaktan. Kaya't ito ay tunay na pangangailangan na magsama-sama tayo sa pangalan ni Jesus, para sa ikabubuti ng bawa't isa sa atin. Nararapat nating tawagin ang kapangyarihan ng ating Tagapagligtas, igapos ang kaaway, at ihagis siyang palabas sa bawa't buhay ng ating kapuwa. At nang sa ganoon maaari na nating dalahin ang bawa't kaisipan na bihag sa pagsunod kay Cristo. Ito ang tunay ng gawain ng katawan ni Cristo.