Ang Mga Tore ay Bumagsak - Ngunit Nakaligtaan Natin ang Mensahe!
Noong Martes, Sityembre 11, 2001, ang magkakambal na tore gusali ng World Trade Center sa lungsod ng New York ay bumagsak. Limang araw pagkatapos, habang pinaghahandaan ko ang mensaheng ito, dumungaw ako sa bintana ng aking silid aralan dito sa ika 30th palapag ng tinitirahan ko. Malaking ulap ng usok ay nagmumula pa sa nasunog na gusali. Ito ay umakyat mula sa mga basag-basag na semiento at pumaroon sa bandang ilog ng Hudson, dumaan sa ibabaw ng Statue of Liberty.
Nang sumunod na Linggo, bago ko ipinahayag ang mensaheng ito sa Time Square Church, umiyak ako sa pagkamasid sa malubhang pagka sirang ito. Nanghingi ako sa Dios ng awa: awa sa mga naghihinagpis na mga familia na nawalan na mahal sa buhay. Awa sa mga mangagawa na patuloy pang naghuhukay sa pag-asang makatagpo pa ng maaring mailigtas, nguni’t puro mga bangkay at pirapirasong bahagi lamang ng katawan ng tao ang natatagpuan. Awa sa lahat ng mga alagad ng batas, mga bombero, at mga nagkakawanggawa, na hayagang nag-iyakan sa hindi maipaliwanag na takot sa kanilang nakita.
Ang ating simbahan ay pinayagang mag-lagay ng tolda sa tinatawag na "ground zero" na pinangyarihan ng sakuna. Mga namumuno sa gawain at mga nagkakawangawa mula sa ating kongregasyon ay naglingkod na walang kapaguran, tumulong ng nagpakain at magpalakas ng loob sa mga nanghihina ng mga mangagawa.
Anim na linggo bago pa nangyari ang sakuna, ang Banal na Espiritu ay nagpaalala sa grupo ng ating mga mangagawa na ang sakuna ay darating. Itinalaga natin ang maraming malalaking pagtitipon sa mga darating na linggo, kasama na ang ating "Missions Conference at ang Pagkabataang Pagtitipon." Nguni’t ang Espiritu ng Dios ay nagparamdam sa atin na huwag na ituloy lahat ng ito. Sa halip, tayo ya nabagabag at para manawagan s kongregasyon na manalangin.
Kami ay nagpasyang magdaos ng mga pagtitipon para manalangin apat na beses sa isang linggo. Mula sa umpisa, bawat pagtitipon ay may tanda ng kahiwagaan sa katahimikan na namalagi sa kongregasyon. Naupo kaming tahimik na kasama ang Panginoon, madalas na walang ingay, na hanggang isang oras, kasunod ng mahinang pagtangis at buong pusong pagsisisi. Sa isang pagtitipon, nararapat kong ipalagay ang mga tuhod ko sa pamamagitan ng mga kamay ko, para huwag iyong mangatog sa mahiwagang pagsama sa amin ng Dios.
Sa panahon ng pagdalaw na ito mula sa Panginoon, ang Banal na Espiritu ang nagpahayag na may dahilan ang pagtangis mula sa mga puso. Masyado kaming nabahala dahil sa darating na trahedya. Ang isang malubhang kalamidad ay darating sa bansa. At kahit na hindi namin alam kung ano iyon, ang aming puso ay nahipo para manalangin patungkol dito.
At bigla-bigla, dumating ang kalamidad. At ito ay tumama hindi lamang sa ating lungsod, ganoon na rin sa capitolyo ng buong bansa. Isang tagapagsalita sa telebesyon ang nagsabi, "Isipin iyon, ang simbolo ng kapangyarihan at kasaganaan ay nasira sa loob ng isang oras." Maliit ang kanyang kaalaman, binabanggit niya ang Apocalipsis 18:10: "Sa aba, sa aba ng dakilang bayang Babilonia, ang bayang matibay! Sapaka’t sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo."
Bilang alagad ng batas mula sa ating simbahan tumulong sa "ground zero" ang kasamahan niya ay panay ang tanong "ano ang ibig sabihin nito?" Ano ang nangyayari? Pansamantala, ang buong bansa ay natatanong, "Nasaan ang Dios sa lahat na ito?"
Tama tayo sa ganitong katanungan. Kailangan nating maunawaan nasaan ang Dios sa ganitong kalamidad. At para gawain iyon, nararapat nating pagtiwalaan ang banal niyang Salita lamang. Narinig natin ang daan-daang mga palagay mula sa mga tagapamahayag at mga politico. Nguni’t lahat ng kanilang mga kuro-kuro ay nagiging pare-pareho na. Walang tunay na pang-unawa sa kahulugan ng biglaang pagpagsak.
May isang bagay akong titiyakin: Ang Dios ay hindi nagugulat. Alam niya ang kaisipan ng lahat ng sangkatauhan, kasama na ang mga namumuno, at mga terorista. Nasusubaybayan ng Dios ang bawat tao sa lahat ng sangkatauhan. Alam niya kung siya ay nauupo o tatayo. At masasabi ko sa iyo, bagay na ito ay tiyak: Nakapailalim pa rin sa Dios ang lahat ng bagay. Wala sa balat ng mundo na nangyari na hindi niya alam, ang kapahintulutan niya dito, at, minsan, siya ang nasa likod kaya nangyari.
Kung Ikaw ay Kristiano, Maaring Alam Mo na Nagdala ng Mensahe ang Dios sa Amerika at sa Mundo sa Pamamagitan ng Sakunang Ito.
Mga ministro at mga nag-aral patungkol sa Dios saan man ay nagsasabi, "Ang Dios ay walang kinalalaman sa sakunang ito. Hindi niya papayagan ang kakilakilabot na bagay na nangyari." Pero walang makakalayo mula sa katotohanan. Ang ganitong kaisipan ay nagdala sa bansa na mabilis na makaligtaan ang mensahe ng Dios na nais mangusap sa pamamagitan ng trahedya.
Ang totoo ay, dapat mayroon tayong salita mula sa Dios. Katulad ng maraming Pastor, nanangis ako nalungkot sa malubhang kalamidad na ito. Hinanap ko ang Dios sa panalangin at sa mga salita niya. At nais kong sabihin sa inyo, naranasan ko ang lungkot na mas malalim pa sa kagluluksa na mga walang malay na namatay. Ito ay lungkot na nasasabing kapag nakaligtaan natin ang mensahe ng Dios, kapag tayo ay nagbingi-bingihan sa malakas niyang ipinahihiwatig, sa ganoon ay may mas malalang nakahanda para sa atin.
Ang propetang Isaias ay tahasang nangusap sa ating kamakailan lang na naranasan. (Kung hindi kayo sang-ayon sa pagamit ko ng Lumang Tipan para sa halimbawa, isaalang-alang ninyo ang mga salita ni San Pablo sa usaping ito: "Ang mga bagay na ito nga’y nangyayari sa kanila sa pinakahalimbawa; at pawang nangasulat sa pangpapaalala sa atin, ng mga dinatnan ng katuparan ng mga panahon" (1 Mga Taga Corinto). Niliwanag ni San Pablo: Ang halimbawa ng Lumang Tipan ay nagsasaad kung paano kumikilos ang Dios sa panahon ng katulad ng sa atin.
Sa panahon na si Propetang Isaias ay nagpropesiya, ang Dios ay matiyagang nakikipag-ugnay sa Israel ng mga 250 taon na. Nagpadala ang Panginoon ng "magaang uri ng sakit" sa mga tato niya, nanawagan siya para magsisi at manumbalik sa kanya. Nais niyang ilayo sila sa pag-samba sa kanilang diosdiosan at ibalik sa kanyang pagpapala at mga tulong.
Lahat ng mga propeta sa ng buong mga taon ya nangusap sa Israel ng katulad rin ng mahalagang salita. "Magpakumbaba kayo" ang sabi ng Banal na Salita, "at sila’y nagsipaglingkod sa diosdiosan….. gayon ma’y tumutol ang Panginoon sa Israel, at sa Juda, sa pamamagitan ng bawa’t propeta, at ng bawa’t tagakita, na sinasabit, iwan ninyo ang inyong masasamang lakat, at ingatan ninyo ang aking mga utos, at aking mga palatuntunan…" (II Mga Hari 17:12-13).
Nagpadala ang Dios ng Tawag Pangising sa Israel.
Ang unang pangising na tawag ng Panginoon sa Israel ay dumating sa pagsakop ng Asiria. Inataki ang Zebulon at ang lupain ng Nephtali. Mapalad na ang pag-ataki ay doon lamang sa dalawang lugar. At kaunti lamang ang nasira. Nguni’t nagsasalita na ang Dios sa kanyang mga tao. Ang bansang hinirang ng Panginoon ay nawalan na ng kasiguruhan. Nguni’t nakaligtaan pa rin nila ang mensahe ng Dios.
Tumangap noon ang Israel ng pangalawang pangising. Ito ay malubha. Dalawang bansa ang tinawag ng Banal na Kasulatan na "Kaaway ng Israel" — Sirians at ang Filisteos — Pinagsamang lakas para sa biglaang pag-atake. Sangayon kay Isaias, itong atakeng ito ay nagmula sa pareho "sa unahan, at… sa ilalim" (Isaias 9:12). Ang ibig sabihin nito ay ang mga nanakop ay namula sa silangan at sa kanluran, nakapaikot sa Israel. At itong biglaang pagatake ng totoong napakalubha.
Ngayon tutungo na tayo sa pinakabood ng aking mensahe, sa katanungan ng maraming Amerikano: Nasaan ang Dios sa biglaaang panghihimasok na ito sa lupaing pinili? Ano ang magagawa o iisipin ng mga tao sa sakunang dumating sa kanila? Sinabi ni Isaias sa atin na ang Dios ay tapat para mangusap na kanyang mga tao: Nagsabi ang Panginoon sa Jacob, at naliliwanagan ang Israel" (Isaias 9:8). Nangusap ang Dios ng maliwanag na salita. At ipinadala niya ang mensahe sa buong bansa.
Mga minamahal, ang saknong na ito ay nagsasabi ng napakahalaga sa ating kapanahunan. Nagsasabi ito "Ang Dios ay parating nagpapadala ng kaniyang salita. Hindi pa sa kasaysayan na iniwan ng Panginoon ang mga tao niyang walang palatandaaan sa panahon ng sakuna. Hindi niya tayo iiwanan at pipiliting unawain ang mga bagay bagay sangayon sa ating kaalaman. Parati siyang nagbibigay ng salita ng pangunawa.
Kahit na sa ngayon, ang Panginoon ay natatayo ng makadios na maga tagabantay para magsalita para sa kanya. Ang mga tagabantay na ito ay nalulumbay. Umiiyak at nagsisisi habang hinahanap nila ang mukha ng Dios. At ako ay naniniwala na naririnig at nauunawaan nila ang mensahe ng Panginoon sa likod ng pangkasalukuyang mga pangyayari. Dagdag pa dito, hindi sila natatakot na ipahayag ang mga paalala, dahil alam nilang nakarinig sila mula sa Dios. Sila ay kinailangang magsalita ng layunin niya sa likod ng mga sakuna.
Mangungusap ako ng Salita ng Dios na Wala sa Atin ang Nais Makarinig.
Marami sa mambabasa ay hindi tatangap sa salitang aking ibibigay. Iisipin nila na ako ay walang puso, mabagsik, masungit sa panahon ng paghihinagpis. Nguni’t sinasabi ko sa inyo, kapag hindi ninyo pinakinggan ang katotohanan nagmumula sa Dios at harapin ito, ang ating bansa ay patungo sa pagkasira. Naririto ang salita na narinig ko sa Panginoon na sinasabi na niya sa atin sa ngayon. "Kaya’t itataas ng Panginoon laban sa kaniya ang mga kaaway ng Rezin, at manghihikayat ng kaniyang mga kaalit; gayong ma’y ang bayan ay hindi nagbalik-loob sa kanya na sumakit sa kanila, o hinanap man nila ang Panginoon ng mga hukbo." (Isais 9:11,13).
Ang Biblia ay maliwanag: Gumagamit ang Dios ng kaaway na mga bansa para ituwid ang mga tao niya. Ginamit ng Panginon ang mga kaaway na ito para pamamaraan ng paalala sa Israel, tinatawag ang bansa para magsisi. " Hoy, taga Asiria, na pamalo ng aking galit, siyang tungkod na kasangkapan ng aking pag-iinit. Aking susuguin siya laban sa maruming bansa, at laban sa bayan na aking kinapopootan ay pagbibilinan ko siya, upang manamsam, at upang manunggab, at yapakan sila na parang putik ng mga lansangan" ( (10:5-6).
Pinamahala ng Dios sa magkakasamang bansa ng Israel na mga kaaway para ituwid ang mga tao. Pinaalalahana ng Panginoon ang Israel, "Itinaas ninyo ang sarili na may kayabangan: Ngayon, ibaba ko kayo. Hahayaan ko kayong disiplinahen ng mga kaaway."
Ang magkakaayong kaaway na ito ay naglungsad ng kanilang pag-atake. At, biglaan, ang Israiletas ay nanoon na may takot habang ang kanilang mga gusali ay nagumpisang bumagsak. Ang mga apoy ay kumalat sa mga lungsod, na sinunug at pinabagsak ang mga gusali. Sa maiksing panahon, ang Israel ay naglagablab. At ang mga tao ng Dios ay nagumpisang maghagulgulan, " Ang mga laryo ay nangahulog… ang mga sikimoro ay nangaputol." (9:10).
Pagkatatpos na mamalas ang nakaraang mga sakuna sa New York at sa Washington, maaari na rin nating mahaka-haka ang damdaminng mga ninuno nating Israelitas. Nguni’t nagsisi ba ang Israel pagkatapos ng nakakatakot na pagatake? Nagkaroon ba ng pangbansang pagkilala na nagpadala ang Dios ng paalala? Nakarinig ba ang mga namumuno na nangungusap ang Dios sa pamamagitan ng sakuna? Hindi. Ang kahirapan ng Israel ay kabaligtaran. Ang umpisang takot ng mga tao ay nagbigay sa pagbaha ng pangbansang kapaluluan. "At malalaman ng buong bayan…. Na nagsasabi sa kapalaluan at sa pagmamatigas ng ulo" (9:9).
Sa salitang Hebreo ang salitang "stoutness" ay nagsasaad ng pagiging magiting. Ito may kahulugang, kapag ang pag-atake ay pumayapa na, ang mga Israelitas ay nanunumbalik muli ang pagtitiwala sa sarili. Sinasabi nilang, "Ang mga laryo ay nangahulog, nguni’t aming itatayo ng tinabas na bato: ang mga sikomoro ay nangaputol, nguni’t aming papalitan nga mga cedro". (9:10). Ang sinasabi nila, wika nga, "Ang kalamidad ay hindi nagmula sa Panginoon. Ito ay sadyang kapalaran, malungkot na karanasan na hindi maaring maipaliwanag.
"Tayo ay magiting ay makapangyarihan na bansa. Tayo ay ginawa para maging palalo, mga taong hindi yumukod. At ipaaalam natin sa buong mundo na tayo ay babalik. Ating itatayong muli na mas malaki pa at mabuti kaysa dati. Kung saan gumamit tayo ng mga laryo noon, ngayon gagamit tayo ng bato. At kung noon gumamit tayo ng mumurahing materyales para mga gusali noon, ngayon gagamit tayo ng mas maayos. Tayo ay bansang pinagpala ng Dios. At malalagpasan natin ang sakunang ito na mas malakas kaysa dati."
Hindi ba at ang lahat ng ito ay parang narinig na ninyo? Ang Panginoon mismo ay gumamit ng malademonyong kaaway para magpadala ng babala pa linisin ang mga tao niya. Nais niyang gisingin sila sa kanilang pakikipagsundo sa kasalanan, ibalik sila sarili, ibuhos ang pagpapala niya sa kanila, at paikotan sila ng pagiingat niya. Nguni’t, sa loob ng kanilang mga araw ng pagkalungkot at katatakutan, ang mga tao ng Dios ay hindi minsan man kinilala ang kaniyang kamay sa lahat ng ito. Walang sinomang nagtanong, "Ano ang sinasabi ng Panginoon sa lahat ng ito? Siya ay nangungusap sa atin? Wala man lamang nakaisip sa isang sandali na ang palalung bansan ay maaring pagpapakumbabain. Sa kabaliktaran, ginamit ng mga tao ay ganitong okasyon para itangi ang ganoong kaisipan. Tinangihan nilang pakinggan ang paalala ng Dios sa kanila.
Tatanungin kita: ang halimbawa ba ng Israel ay nagparamdam rin sa iyo, pagkatapos ng ating namasid sa loob ng mga nakaraang linggo? Huwag naman ninyo akong maliin. Nagpapasalamat ako sa Dios mayroon tayong Pangulo ng bansang maaring nating igalang. Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa lahat ng mga Kristrianong na naglilingkod sa mataas na taggapan. Ang ating simbahan ay nanalangin na may kasipagan para sa mga namumuno ng ating bansa. At tayo ay nagpapasalamat para sa pansamantalang pagbuhos ng panalangin sa buong bansa. Ito ay nakahihikayat na makita ang mga tao na mga nasa sarili niya at naguumpisang pagisipan ang kani-kanilang mga uri ng pamumuhay.
Nguni’t magkaganoon pa man, nakakaligtaan natin ang mensahe ng Dios para sa atin. Pagisipan ninyo ito: kapag ang pangpublicong samahan ay tumatawag ng mga sandali ng katahimikan, iniisip natin ito ay tunay na pagsisi. Kapag nakita natin ang mga politiko na umaawit ng "God Bless America," akala natin nanumbalik na ang ating bansa sa Dios. Kapag nakita natin na ang mga programa sa palaro ay nagpapakita ng katahimikan at "kalahating oras" akala natin ito ay espiritual na karanasan.
Nguni’t ito lamang ba ang lahat na lalabas mula sa katatapos na sakuna? Ang mga tao ay tatayo na may katahimikan, pagkatapos babalik sa pagkukulay ng katawan nila, iinom ng beer, at titiling parang mga maniak para sa paborito nilang mga manlalaro?
Katulad ng maraming Amerikano, ako ay umiyak habang nakita ko ang mga Senadores at mga namumuno sa Kogreso nakatayo ay umaawit ng "God Bless America"….stand beside us, and guide us…" Nguni’t, habang ako ay umiiyak, ang Panginoon ay nagpaalala sa akin, "Marami sa mga namumuno nakikita mo na umaawit ay gumawa ng batas para alisin ako sa lipunan. Sila ay lubhang handa para alisin ang pangalan mula sa mga pangkasaysayang aklat ng Amerika. At pinayagan nila ang pagpatay ng milyon-milyong mga bata sa pagaaborsion."
Bigla-bigla, ako ay nagising sa isang totoong pagpapaimbabaw ng lahat ng ito. Nagbibigay tayo ng papuri sa mga labi sa Dios, nguni’t patuloy tayong dumadausdus sa malubhang imoralidad.
Kapag ang Bansa ay Nasa Ilalim ng Makalangit na Pagtutuwid, Ito ay Kikilos sa Isa sa Dalawang mga Paraang Ito.
Ang bansang nasa ilalim ng pagtutuwid ay maaring magpakakumbaba at magsisi, katulad ng ginawa ni Nineveh. O kaya, ito ay magbibigay ng pagsisilbi sa Dios sa pamamagitan ng mga labi lamang, nguni’t sa kalooban ay umaasa sa kanyang sariling lakas para malagpasan ang pagtutuwid. Mayroong pananangis na nagsasabi, "Mayroon akong mga lakas para makayanan ko ang masamang pangyayaring ito. At mayroon tayong kakayanan para maaayos ang problemang ito. Tayo ay sadyang magaling na bansa."
Ako ay makabayan rin katulad ng sinomang Amerikano. At ako ay nasisiyahan rin naman katulad na sinoman sa nararanasang pagkakaisa ng ating bansa. Nagpapasalamat ako sa Dios sa makabayang lakas ay matinding pagsasakripisyo na nakita natin sa kapanahunan ng pagataki ng mga terorista. Ang buong mundo ay namamangha sa pagmamahal na ipinakita nga mga tao sa lungsod ng New York, Washington, D.C. at sa pangkalahatan ng Amerika.
Nguni’t hinaharap din natin ang katulad na piligro sa katulad sa Israel. Sa ating mainit na pagkamakabayan, napakadali nating makaligtaan ang mensahe ng Dios sa ating bansa. At sa ngayon, tayo ay nakatayo sa katulad ring katayuan kung saan ang Israel ay tumayo.
Ako ay nagtataka: kung tayo ay nabuhay sa kapanahunan ni Propetang Isaias, tayo kaya ay nakinig sa kanyang mga paalala? O tayo ay magbibingi-bingihan na lamang? Ang bansang Jerusalem at ang Juda ay parehong naniniwala na sila ay mapabababa. Nguni’t si Isaias ay nagpropesiya, "Hindi ko baga gagawing gayon sa Jerusalem at sa kaniyang mga diosdiosan, ang gaya ng ginawa ko sa Samaria at sa kaniyang mga diosdiosan?" (Isaias 10:11). Ang sinasabi ng Dios, "Hinatulan ko ang ibang bansa sa pagsamba nila sa diosdiosan na inyo ring ginagawa. Bakit hindi ko kayo hahatulan? Ano ang makapagliligtas sa inyo sa batas ko?
Sa buong Amerika, ang mga tao ay nagsasama-sama para "manalangin at pagaalala." Ito ay tama ay kagalang-galang (at nababasi naman sa salita ng Dios) na alalahanin yaong mga namatay na. Nguni’t bakit tayo ay masyadong natatakot na magpatawag ng mga pagsasama-sama para "manalangin at magsisi"? Sa ngayon, karamihang Amerikano ay nakatuon sa pag-alala at paghihiganti. Nguni’t nasaan ang pagtawag sa Amerika para magbalik loob sa Dios?
Sa kaparusahan sa mga terorista, ito ay nasasaad rin bilang usapin ni Isaias. Sinabi niya, Kaya’t mangyayari, na pagka naisagawa ng Panginoon ang buo niyang gawain sa bundok ng sios at sa Jerusalem, aking parurusahan ang kagagawan ng mapagmalaking loob na hari sa Asiria" (Isaias 10:12). Totoong noong natapos na Dios na gamitin ang Asiria para maging "pamalo ng aking galit," sila ay sinira rin ng Dios. Katulad rin, pababagsakin rin ng Dios ang mga teroristang umatake at pumatay sa mga inosenteng mga tao. Hindi magtatagal at matatagpuan rin nila ang walang katapusan nilang hantungan sa impiyerno.
Narito ang Mensaheng Naniniwala akong Sinasabi ng Dios sa ating mga Sakuna.
Malalim sa aking espiritu, narinig ko ang Panginoong nagsasabi, "Pinagtagumpay ko kayo sa lahat ng mga bansa. Nguni’t sa mga maraming taon nagpatuloy kayong sumamba sa mga diosdiosan ng ginto at pilak. Binata ko ang inyong nakakahiyang mga gawain, ang inyong pang lilibak sa mga bagay na banal, ang inyong pagpapatulo ng mga inosenteng dugo, ang inyong walang kapagurang lakas para alisin ako sa lipunan. Ngayon ang panahon ay papalayo na sa inyo.
"Nagpadala ako ng mga propeta, mga tagamasid at tagapagbantay. Kayo ay pinaalalahan ng paulit-ulit. Nguni’t hindi pa rin ninyo binuksan ang inyong mga mata sa inyong mga maling daan. Ngayon kayo ay sinaktan ko, sa pagasang maililigtas ko kayo. Nais kong pabutihin ang lupain ninyo, puksain ko ang inyong kaaway, ibalik kayo sa pagpapala ko. Nguni’t wala kayong mga mata para makita ito."
Kung hindi pinaglagpas ng Dios ang mga bansang hindi siya iginalang, bakit palalagpasin niya ang Amerika? Hahatulan rin tayo na katulad ng paghatol niya sa Sodom, Roma, Greece at bawa’t kulturang tumalikod sa kanya.
Isaalang-alang ang sinabi ng Dios sa pamamagitan ni Ezekiel: "Inyong iwaksi ang lahat ninyong pagsalangsang….at kayo’y magbagong loob at magbagong diwa: sapagka’t bakit kayo mamamatay, Oh angkan ni Israel? (Ezekiel 18:31-32).
Sa sinomang may duda sa Dios na nakakaramdam rin ng mga mapapait, narito ang patotoong may matinding paniniwala ng kanyang awa. Siya rin ay nakakaramdam ng kalungkotan sa kamatayan. Sinasabi niya na, "Hindi ako natutuwa na nakikita ko kayong nagdudusa at namamatay. Kaya’t ako ay nakikiusap sa inyo ngayon: talikuran ninyo ang inyong kasalanan at mabuhay kayo."
Ang Dios ay lalo ng lumuluha sa mga sakunang tumama sa mga walang kasalanan. Nitong nakaraang mga linggo, makakatiyak kayong ang Dios ay umiiyak dahil mga nabiktima sa pagataki ng mga terorista… Siya ay sinasabi na "naglalagay sa bote ng luha ng kanayang mga santo." Totoo, ako ay naniniwalang marami sa mga luhang natapon ng mga Kristiano ay luha mismo ng Dios, na ang Espiritu ang siyang naguumpisa sa atin.
Nguni’t, may mga sandaling, ang katuwiran at kabutihan ng Dios ang siyang dahilan na hindi niya pinipigil ang awa niya. At siya ay napipilitang ipagpatuloy ang kanyang matuwid na paghahatol sa pinakahuling sandali. Ang pinamabuting halimbawa nito ang ang pagsasakripisyo niya sa kanyang anak na si Jesus. Ang pagtutuwid ay nangangailangan na ang mga kasalanan ng buong mundo ay iatang sa walang malay na tao, at itong taong ito ay hatulang mamatay para sa lahat. Sabihin mo sa akin, sino pa ang maaring mas walang kasalanan kaysa sa sariling anak ng Dios? Nguni’t si Cristo ay pumayag na ibigay ang sarili niya bilang sakripisyo, para mag-alay ng kaligtasan sa lahat ng sangkatauhan.
Ano ang Maaring Mangyari sa Amerika Kapag Hindi Natin Naunawaan ang Mensahe Niya?
Ano ang kinabukasan ng ating bansa kapag tangihan natin ang pagtawag ng Dios na lumapit ng buo sa kanya? Ano ang mangyayari kapag patuloy ng pinapatay ang mga bata sa pamamagitan ng aborsyon at ginagamit ang mga ito sa pagsasaliksik….kapag patuloy nating binubura ang pangalan ng ating Taga Pagligtas sa kasaysayan ng Amerika… kapag patuloy nating muling itatayo ang mga bagay-bagay mas malalaki at mas magaganda, lamang para pagyamanin ang ating mga sarili…kapag patuloy tayong umaasa sa ating mga armadong sundalo kaysa sa kapangyarihan ng Dios?
Ipinakita ni Propetang Isaias ano ang mangyayari sa bawat bansa na nagtatakwil ng Dios at nagpapalalo sa kaniyang sariling kakagalingan: "Sapagka’t ang kasamaan ay sumusunog ng gaya ng apoy; pumupugnaw ng mga dawag at mga tinikan: oo, nagaalab na sa siitan sa gubat, at umiilanlan na paitaas sa mga masinsing ulap na usok. Sa poot ng Panginoon ng mga hukbo ay nasusunog ang lupain: ang bayan naman ay gaya ng panggatong sa apoy; walang taong mahahabag sa kaniyang kapatid. At isa’y susunggab na kanang kamay, at magugutom: at kakain ng kaliwa, at hindi sila mabubusog; sila’y magsisikain bawa’t isa ng lamang ng kaniyang sariling bisig" (Isaias 9:18-20).
Ang apoy na pumupugnaw at paiilanglang sa kalangitan. Ang kadiliman ay babalot sa kalupaan. Ang pananalapi ng bansa ay tatamaan na dahan-dahang pagpapasabog. At magkakaroon ng hindi pagkakaisa sa bansa, sa kumunidad, sa paligid-ligid ng inyong mga tirahan, sa mga pamilya. Ang mga tao magiging makasarili sa matinding paglaban para mabuhay. At tulungan nawa kayo ng Dios kung malapit kayo sa ganitong kalagayan.
Binigyan ako makapropetang mensahe siyam na taon na ang nakakaraan, at ipinahayag ko sa Times Square Church noong Sityembre 7, 1992. Hayaan ninyong ibahagi ko ito sa ngayon:
"Ang paalala na ito ay hindi para takutin kayo. Ito lamang ay para dalahin ninyo sa Panginon sa panalangin. It ay ang paniniwala kong ipinakita sa akin ng Dios:
"Tatlumpong araw na paglilinis at pagtutuwid ay babagsak sa lungsod ng New York na katulad ng hindi pa nakikita ng buong mundo. Ibabagsak ng Dios ang mga pader. Magkakaroon ng hindi pa naiisip ng kaguluhan ang pagnanakawan. Ang kaguluhan ay malubha, ito ay makagugulat sa bung mundo. Ang ating mga lansangan ay mapupuno ng mga nakapilang hindi lamang mga Pangbansang Bantay, kundi ng mga militar".
"Libo-libong apoy ay sisiklab na sabay-sabay sa buong lungsod. Ang apoy sa Los Angeles ay mananatili lamang sa ilang mga bahagi ng lungsod na iyon, nguni’t ang lungsod ng New York ay masusunog at lahat ng mga boros. Ang Time Square ay maglalagablab, at ang apoy nito aakyat sa langit at makikita mula sa mga milia. Ang mga pamatay sunog ay hindi makakaya ang pagapula nito".
"Ang mga train at mga bus ay hininto. Biyon-bilyon dolares ay mawawala. Ang mga palabas sa Broadway ay hihinto. Ang mga pangangalakal ay aalis sa lungsod na halos hindi mapipigil. Ang mga ganitong pangyayari ay maasahan sa mga bansang mahihirap, nguni’t hindi sa maunlad ay mayamang bansa na katulad ng United States. Nguni’t hindi nga nagtagal pagkatapos, ang lungsod ng New York ay totohanang maghihirap. Ang Reynang Lungod ay itatapon sa
sa basurahan, magiging lungsod ng kahirapan".
"Tatanungin ninyo, kailan lahat ito mangyayari? Ang masasabi ko lamang ay, naniniwala akong ako ay naririto kapag nangyari iyon. Nguni’t, kapag nangyari nga iyon, ang mga tao ng Dios ay hindi dapat matakot."
Ang mga tawag at mensahe ay bumaha sa ating mga taggapan, nagtatanong, "Itong bang pagataki ng mga terorista nitong Sityembre 11 ay ang sakunang iyong ibinigay na mensahe noong 1992?" Hindi, hindi sa pangkalahatan. Ang nakita kong darating ay mas malubha. Totoong kapag itinakwil ng Amerika ang pagtawag ng Dios na manumbalik sa kanya, haharapin natin ang katulad ng paghahatul na hinaharap ng Israel. At gagawin nila ito hindi lamang sa lungsod ng New York, kung’di sa bawa’t reheyon ng bansang ito. Kahit na ang kalupaan ay hindi ililigtas. Ang pangbansang pananalapi ay babagsak, at ang kaguluhan ay sasabog. Ang mga apoy ay uubos sa lungsod natin, ang mga tangke ay magkakagugulo-gulo sa ating mga lansangan".
Maaring magtataka na kayo, na katulad ko, "Maari bang maiwasan ang mga ito? OO, natitiyak ko. Naniniwala ako na maaring ipagpaliban nag pagpaparuha kung ang ating Pangulo ay mapapatunayang may kahalintulad ni Josias. Maaring naalala ninyo si Josias bilang hari ay hinahap ang Panginoon ng kanyang puso. Manalangin tayong lahat ng bigyan ang ating Pangulo na katulad na espiritu ng kay Josias, na matakot sa Salita niya. Nangusap ang Panginoon kay Josias:
"Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako’y magdadala ng kasamaan sa dakong ito….Sapagka’t kanilang pinabayaan ako, at nagsunog ng kamangyan sa ibang dios……Nguni’t sa hari sa Juda, na nagsugo sa inyo upang magusisa sa Panginoon …..Sapagka’t ang iyong puso ay malumanay, at ikaw ay nagpakababa sa harap ng Panginoon, ng iyong marinig ang aking sinalita laban sa dakong ito, at laban sa mga tagarito na sila’y magiging kagibaan, at sumpa, ……ay dininig naman kita, sabi ng Panginoon. Kaya’t narito…..
hindi makikita ng iyong mga mata ang lahat na kasamaan na aking dadalhin sa dakong ito" (II Mga Hari 22:15-20).
Sinabi ng Dios hari, ika nga, "Habang ikaw ay nasa kapangyarihan, nanginginig sa aking Salita at umaawa sa akin, hindi mo makikita ang pagpaparusa na darating. Hindi ito mangyayari sa kapanahunan at paghahari mo."
Ako ay naniniwala na ang bintana ng pagkakataon para tumugon sa pagtawag ng Dios ay maiksi. Tayo ay dapat manalangin na ang ating bansa ay magsisi ay manumbalik sa Panginoon. Nguni’t ang ating marubdod na panalangin ay nararapat sa ating mga puso: " Panginoon, hayaan mo akong manginig hindi sa mga sakuna, nguni’t sa Salita mo. Nais kong marinig ang tinig mo sa lahat ng ito. Hayaan mo akong manumbalik sa iyo ng buong-buo."