Buong-Panahong Ministerio

Sa maaga pang mga taon ng simbahan, isang malaking paguusig ang nangyari. Sa kapanahunang yaon, si apostol Juan ay nabilango at dinala sa Roma. Ang tagapangulong Romano sa panahong yaon (maaring si Nero o kaya ay si Diocletian) ang nagpatapon kay Juan sa isla ng Patmos. Ang islang ito ay isang maliit, liblib, walang naninirahan kundi ilang mga bilangong itinapon doon para tapusin ang nalalabi pa nilang mga araw para mabuhay. Katulad nila, si Juan ay ipidala sa Patmos upang mamatay.

Ang apostol na tinutukoy ko ay ang “pinakamamahal na si Juan” kung sinong iniibig na mabuti ni Cristo. Siya yoong naghilig ng ulo sa dibdib ni Cristo sa huling hapunan. Siya rin ang kapatid ni Santiago at anak ni Zebedeo. At siya rin ang sumulat ng ika-apat ng evangelio, ganoon rin ang tatlong mga sulat sa biblia na nagtataglay ng pangalan niya.

Subukang isalarawan ang tanawin habang si Juan ay bumababa sa Patmos. Bumaba siya mula sa bangka, dumaan sa maliit na tulay at tumuloy sa tigang na pulo. Walang mga punong kahoy, mga buhangin lamang. Sa harap niya ay nangakatayo ang maliit na pulotung ng marurumi, matitigas ang puso, at mga nagmumurang mga bilango. Lahat sila ay nagaanyu ng kasamaan. Nalalaman nila na sila ay mamatay na doon.

Sa likuran ni Juan, nagbaba ang mga mandaragat na ilang sisidlan ng mga pagkain—maaaring bigas, harina, o yoon lamang talagang pangangailangan—at ibinagsak nila doon sa tabing dagat. At sila ay sumakay na muli at hinatak ang maliit na tulay. At, dahan-dahang naglayag na papalayo ang bangka.

Minasdan ni Juan habang papalayo ang bangka patungo sa karagatan. Hindi niya alam kung makikita pa niyang muli iyon. Naiwan siyang nakulong, itinapon, binabayaan, na mabubuhay na nakahiwalay. Isusulat niya sa bandang huli, “ay nasasa pulo na tinatawag na Patmos, dahil sa salita ng Dios at sa patotoo ni Jesus” (tingnan Ang Apolicapsis 1:9).

Bakit si Juan, ang mababang loob na disipolo ni Jesus, binigyan ng ganoong hatol? Bakit sa Roma, ang may pinakamalakas na kapangyarihan, matindi ang pagnanais na ilayo siya sa masulong na pamumuhay? Si Juan ay maaaring ibilango sa kalupaan. Bakit nais ng pinakanamumuno na patahimikin siya? Maliwanag, ibinilang ng Roma ang taong ito ay mapanganib. Si Juan ay kilala, sa parehong mga Judeo at mga Gentil. Anong napakamakapangyarihang lakas, anong napakabisang ministerio ang mayroon siya.

Ngayon, habang minamasdan ni Juan na mawala na ang banka ng mga bilango, ang kaniyang mga salita ay bumabalik sa kanya. Siya ang nagbangit sa mga salita ni Jesus, “oo, dumarating ang oras, na ang sinomang pumatay sa inyo ay aakalaing naghahandog siya na paglilingkod sa Dios. At ang mga bagay na ito’y gagawin nila.... Datapuwa’t ang mga bagay na ito’y sinalita ko sa inyo, upang kung dumating ang kanilang oras, ay inyong mangaalaala, kung paanong sinabi ko sa inyo” (Juan 16:2-4).

Gaano karaming malalamig, basa, napanginginig na mga gabi ang tiniis ni Juan sa Patmos? Gaano kadalas siyang nababad hangang sa buto ng masasamang bagyo ng Mediterranean? Nagkaroon ba siya ng masisilungan o kahit man makapagpalit ng damit? Gaano karaming pagkakasipon at pagkakasakit ang kanyang nilabanan? At anong uri ng pagkain ang kanyang kinain? Maaring ilang supot ng bigas? Pinagbaha-bahagi ba niya ang pagkain niya, sa kaalamang ito ay tatagal lamang hanggang sa muling pagbabalik ng bangka ng bilango?

Napilitan ba siyang manghuli ng ahas o mga butiki upang madagdagan lamang ang kakarampot na pagkain?

Sa kahit na sinomang sukatan, si Juan ay talunan. Maraming mga Cristiano sa ngayon ay titingin sa kanya ay magsasabi, “Anong pagsasayang” Bakit hinayaan ng Dios ang isa sa pinakamabuting pinahiran ng langis sa lahat ng panahon na ihiwalay sa ganitong paraan? Bakit pinayagan niya ang matapat niyang disipolo na malantad sa mga elemento at halos magutom? Hindi ko maunawaan kung bakit si Juan ay hindi humingi ng pagliligtas. Pagkatapos na lahat, sinulat niya na sinalita ni Jesus, “Kung kayo ay hihingi ng anoman sa Ama, ay ibibigay niya sa inyo sa aking pangalan, magsihingi, at kayo’y tatangap” (Juan 16:23-24). Nasaan ang pananampalataya ni Juan?”

Ngayon, isalarawan ang gagawin ng mga namumuno sa mga simbahan sa kapanahunan ngayon. Nakakalungkot, susukatin nila si Juan sa pangkasalukuyang sukatan ng tagumpay: wala siyang kapisanan, walang gusali sa iglesia, walang salapi para mangupahan o bumili ng gusali. Walang sasakyan para maglakbay, walang tahanan, walang maayos na kasuotan upang magamit sa pagpapahayag ng salita ng Dios. Walang balakin ang ministerio, walang paghayo sa kapaligiran, walang balakin para pagtagumpayan ang mga bansa. Mga namumuno sa ngayon ay mabilis siyang buburahin, magsasabing, “Ang taong ito ay baliwala. Tapos na siya. Bakit ba siya tinawag sa gawain sa unang banda?”

Anong kamalian nilang lahat. Noong pinakaunang Sabbath sa Patmos, si Juan ay nasimula ng iglesia. Tinawag niya itong ANG IGLESIA NI “AKO, JUAN.” Sinulat niya, “Akong si Juan, na inyong kapatid at inyong karamay sa kapighatian at sa kaharian at sa pagtitiis na kay Jesus.......Ako’y nasa Espiritu nang araw na Panginoon” (Mga Apolicapsis 1:9-10). Ang sinasabi ni Juan, sa ibang salita, “OO, ako ay isinara sa masulong na pamumuhay. Datapuwa’t mayroon akong iglesia. At ako ay nagmiminesterio sa Panginoon dito. Wala akong mga kapatiran para samahan ako. Nguni’t ako ay nasa Espiritu.” Tinitiyak ko sa inyo, ang papuri ni Juan na inialay mula sa liblib na pulong iyon ay maluwalhati sa Dios na katulad ng libong banal na tinig na nagpupuri sa libong ibat-ibang mga dila.

May napakabuting nangyari kay Juan pagkatapos ng mga unang araw niya sa Patmos. Nagpasiya siya na nagpabago sa buong pangmundong iglesia hanggang sa walang katapusan.

Sa madaling sabi, namatay si Juan sa lahat ng kanyang mga balak at iniisip sa ministerio.

Sang ayon sa kaalaman ni Juan, ang pagpapatapon sa kanya sa Patmos ay ang huling gawain na niya. Maaring iniisip niya, “Makukulong na ako dito sa buong buhay ko. Nguni’t hindi ko hahayaang mawala ang apoy ng Dios. Kahit na ako lamang ang narito. Pupurihin ko ang

Panginoon. Maaaring wala nga akong kapatiran, walang pakikipagisa sa mga kapatid kong lalake o babae. Nguni’t lalakad ako sa Espiritu. At ibibigay ko ay sarili ko sa pagsasaliksik sa mukha ng Dios. Ngayon mayroon akong panahon na kilalanin siya na higit pa kaysa sa noon.”

Hinanap ni Juan ang Panginoon na buo sa kanyang pagiisa. Siya ay kumilos sa Espiritu. At ibinigay ang sarili bilang buhay na alay. Mga minamahal, ito ay puso ng aking mensahe: Si Juan ngayon ay nasa buong-panahong pag-ministerio. Hindi ko ibig sabihin dito na kung paano natin kadalasang isipin ang ganoong ministerio. Ito ay buong panahon sa dahilang si Juan ay may Dios lahat para sa sarili niya.

Nakita ninyo, sa Patmos walang pangangailangan ng pag-likom ng salapi, mga kasabihan o kataga para mangakit ng pansin. Walang pangangailangan upang makipagpaliksahan sa ibang tagapangaral o kaya ay magtayo ng malaking gusaling simbahan. At walang isa man upang purihin si Juan, batiin siya, ipagyabang siya. Ang buhay niya ay ibinababa sa isang pinagtuonan lamang, isang ministerio: Jesucristo lamang. Iyon na ang lahat-lahat ng kung anong mayroon si Juan. At ang sabi niya, ang pinakakahulugan, “Iyon lamang ang talagang kailangan ko: panalangin, pagpupuri at pakikiisa sa Panginoon.”

Ang buong-panahong ministerio ay hindi lamang nangangahulugan ng pagpapastor sa simbahan. O kaya naman ay paglalakbay bilang isang ebanghelista o kaya ay pagdaraos ng mga pagtitipon para panumbalik sa Dios. Buong-panahong ministerio ay hindi nakikilala sa diploma, o kaya ay katunayan mula sa isang koleheyo na nagtuturo ng Biblia, o pagtatalaga mula sa mga namumuno ng simbahan. Ang totoo, maaari kang magpastor ng isang malaki, at matagumpay na simbahan at hindi pa rin nasa buong-panahong ministerio. Maaari kang mangaral ng daan-daang mga mensahe, abutin ang mga libo-libong tao. Nguni’t wala sa mga bagay na ito ang makagagawa upang ikaw ay nasa buong-panahong ministerio sa mata ng Dios.

Ang mga tao ay madalas na lumalapit sa akin at nanghihingi ng panalangin upang ipadala sila ng Panginoon sa buong-panahong ministerio. Ang mga ito karamihan ay tumutulong sa gawain ng Dios at may mga hanapbuhay. Ang iba ay tunay na naniniwala na tinawag sila ng Dios upang maglingkod ng buong-panahon. Datapuwa’t ang iba naman ay yoong naiinip o hindi na masiyahan sa kanilang mga hanapbuhay. Ang kaisipan na pagiging binabayaran ng sahod na maaari ng ikabuhay sa pagtupad ng gawain ng Dios, ay maganda sa kanila.

Ang iba naman ay gumagawa na ng gawain ng Dios bilang bahaging-panahon, nguni’t mayroong matinding kagustuhan na maglingkod ng buong-panahon. Sa totoo, sa halos lahat ng mga bansa, ang mga ministro ay naghahanapbuhay pa rin sa labas dahil ang kanilang kapisanan ay hindi makakakayang tulungan sila. At yoong tumatanggap ng sahod ay hindi naman sapat. Sila ay naniniwala na magiging mas matagumpay ang ministerio kung sila ay may sapat na tulong para gampanan ito. Kaya’t sa maraming mga taon sila ay nagsusumamo sa Dios. “Kailan magbubukas ang pintuan sa akin.”

Naniniwala akong ang nais ng Dios na bawat mananampalataya ay makisali sa buong-panahong ministerio. Sabi sa banal na kasulatan tayo lahat ay tinawag bilang mga seserdote para sa Panginoon. Nguni’t una, dapat nating alisin sa ating mga isipan na ang buong-panahong ministerio ay isang hanapbuhay na binabayaran. Sa mata ng Dios, ang buong-panahong ministerio ay ministerio para sa kanyang sarili.

Sa madaling sabi, maaari kayong makatulad kay apostol Juan, nakulong sa pulo na mag-isa, at maaaring nasa buong-panahong ministerio. Ang totoo, ibinibilang ko si Juan na isa sa mga matagumpay na ministro sa Biblia. Narito paano ninyo malalaman kung handa na kayo sa buong-panahong ministerio:

Hindi na ninyo kailangan ang palakpak ng mga tao. Hindi na ninyo kailangan ang takdang gawain, balak, o kaya makasali sa isang malaking gawain. Hindi ninyo kailangan ang anomang pagpapatunay na kung sino at ano kayo. Hindi rin ninyo kailangan ang kapisanan o kaya ay gusaling simbahan. Ang tanging ministerio na makapagpupuno sa inyong kaluluwa ay ang iyong panalangin at pangpupuri sa Panginoon. Mas nais pa ninyong mag-isa na kasama si Jesus, binubusog mo siya sa iyong mga pagpupuri, kaysa sa hangaan bilang magiting na ministro. Alam mong lahat ng ministerio sa iba ay dumadaloy sa ministerio sa kanya. Kaya’t ibinigay mong buong-buo ang iyong sarili sa isa lamang bagay: “Ang isang pagtawag mo sa mundong ito ay upang magministerio patungo sa Panginoon.” Kung ganoon ay handa ka na sa kung paano nakikita ng Dios ang buong-panahong ministerio.

May alam akong mangangaral na tumatangap ng sahud nguni’t hindi nagmiminesterio sa Panginoon. Wala silang kabigatan para sa kanya. Hindi nila sinasaliksik siyang mabuti sa panalangin. At hindi sila kumukuha ng mga sermon mula sa kanya. Sa halip, hinihiram nila ang mensahe mula sa ibang mangangaral. Ang mga ministrong ito ay mga upahan, kumukuha ng cheke dahil ginawa nila ang kanilang gawain. Hindi sila nanalangin, kaya’t walang sariwang mga salita mula sa langit.

May alam rin akong tumutulong lamang sa gawain nd Dios na mas malalim pa ang kaalaman kay Cristo kaysa sa taong nagpapastor sa kanila. Ang mga taong ito hindi man nakakatangap ng kahit na dies para sa kanilang pagmimisterio sa Panginoon. Nguni’t alam sila sa langit na buong-panahong mga ministro. Sila ay mga mapanalanginin, gutom sa katotohanan, naglilingkod sa Dios ng buong puso. At sila ay nagaalay ng panalangin, na ibinibigay na buo ang sarili na makapasok kay Cristo. Ito ang mga totoong mga ministro, na nalagpasan na ang kanilang mga pastor matagal ng panahon. Katunayan nga, ang kanilang pastor ay maaaring isang nawawala rin, at hindi ministro ng Dios kailanman.

Balikan natin si Juan sa Patmos. Walang nakatala na si Juan ay nakipagunayan sa kaninoman sa pulo. (Ako ay naniniwala ang ilang mga kriminal na naroroon ay walang pagnanais na lumapit sa katulad niyang makadios na tao.) Si Juan ay walang isa mang nakasama. Wala siyang makadios na tagapayo, walang tining para pakingan siya. Lahat ng kanyang naririnig ay ang paghampas ng alon at ang paghuni ng mga ibon.

Kahit na sino ay magiging sira ang ulo sa ganoong uri ng kalagayan. Nguni’t si Juan ay hindi naman nagkaganoon. Sa halip, siya ay natutung umasa sa tinig ng Banal na Espiritu. Siya ay yumakap sa kanya para sa pag-iingat at kagaanan. Noong nagpatotoo si Juan, “Akong nasa Espirutu” (Apolicapsis 1:10), ang pinapakahulugan sa sinasabi niya, “ Ako ay buong nagbigay sa Banal na Espiritu. Nagtiwala ako sa kanya. At ako ay tinuruan niya. Siya ay nagpakita sa akin sa kasamaan sa simbahan sa Asia, na nasulat ko sa Apocalipsis. At ipinakita niya lahat sa akin ang kung anong darating sa mundo.”

Tunay, sa kanyang buong-panahong pagmiministerio, si Juan ay binigyan ng kapahayagan sa kaluwaltihan ng itinaas na si Cristo: “Ang isang pintung bukas sa langit, at ang unang tinig na aking narinig....ay sa isang nagsasabi, Umakyat ka rito, at ipakikita ko sa iyo ang mga bagay na dapat mangyari sa haharapin. Pagdaka’y napasa Espiritu ako: at narito, may isang luklukang nalalagay sa langit, at sa ibabaw ng luklukan ay may isang nakaupo”(Apocalipsis 4:1-2).

Ang pintung nasa langit ay bukas rin sa atin sa ngayon. Katulad ni Juan, tayo ay inaanyayahan na umakyat doon. Sabi ng Banal na Salita, “Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo’y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.” (Mga Hebreo 4:16). Ang pag-anyayang ito na lumapit sa luklukan ay kadalasang binabali wala ng mga pastor at mga naglilingkod sa Dios. May ilang mananampalataya na tunay na nakaaalam sa tinig ng Dios. May ilang ministro na nangungusap bilang tagapagsalita niya.

Ako ay naniniwala ang lubhang pangangailangan sa mga simbahan sa ngayon ay mga lalake at babae na itatalaga sa sarili nila ang karanasan sa Patmos. Ang mga Cristiano sa ngayon ay may panahong manood ng TV, mamili sa mga tindahan o kaya ay gumamit ng Internet, nguni’t ilan lamang ay pumaroron sa luklukan ng Dios. Nguni’t ang mga pangako ng Panginoon, “Kung aakyat kayo rito, ipahahayag ko ang awa ko sa inyo. Ipakikita ko sa inyo ang mga bagay na hindi pa ninyo nalalaman, dahil hinanap mo ako.”

Kaya’t, nasaan ang mga buong-panahong ministro na isinara lahat ang mga makamundong tinig at programa ng tao? Na lumayo sa lahat ng sariling hangarin upang pamahalaan at pangunahan ng Banal na Espiritu lamang? Na hahayaang lagpasan siya ng iba sang-ayon sa sukatan ng tao, dahil ibinaba nila ang kanilang sarili sa iisang layunin ng ministerio: na mabuhay at lumakad sa Banal na Espiritu?

Ang pagpapatapon kay Juan ay itinalaga ng mga walang dios na tao. Nguni’t ang Panginoon ay nasisiyahan kung tayo ay handang magpailalim sa “pagkakakulong” na kasama siya. Hindi ito nangangahulugan na tayo ay magtayo ng panglabas ng ministerio. Hindi ito nangangahulugan na iiwan na natin ang ating mga hanapbuhay, ang ating pamilya, ang ating mga patotoo. Sa katunayan, maaring napakaabalang tao ka at magkaroon ng karanasan na katulad sa Patmos. Ang mahalaga ay ang isinara natin ang bawa’t tinig, mga gawain at bagay na humahandlang sa atin upang marinig ang Panginoon. At ibinibigay natin ang ating sarili sa iisang layunin: ako ay nakikinig ba sa tao, o sa Banal na Espititu?

Kapag si Cristo ang naging iisang layunin, makatatangap tayo ng pagkaunawa at pagpapayong mula sa itaas.

Sinabi ni Jesus sa atin na sa huling mga araw, magsisipanglupaypay ang mga tao dahil sa takot (tingnan sa Lucas 21:26). Ako ay naniniwala na malapit ng dumating ang takdang panahon. Nakita ko ang napakarami, sa America at sa buong mundo, na inalis na ang pakiramdam sa mga puso at isip sa darating na kakilabutan. Susubukan nilang ipalanse ang mga sarili upang hindi nila harapin pa ang mga nakatatakot ng mga balita.

Sa ngayon, lalong-lalo na sa lungsod ng New York at Israel, maraming tao ang nagtitiis dahil hindi makatulog. Maraming mga klinika ang nagsipagbukas sa buong lungsod dahil libo-libo ay parating gising dahil sa takot. At sangayon sa Banal na Kasulatan, may mas masama pang darating. Kapag ang mga propeta ng Lumang Tipan ay nakatangap ng mabilis na tanawin sa ating kapanahunan, sila ay nanginginig.

Ako ay naniniwala na ang pagbagsak ng pananalapi ng bansa ay nagumpisa na. Sa loob ng dalawang taon na, mahigit na $7 trillion ang nawala na sa “stock market”. Maaaring magkaroon ng pagtaas pansamantala, nguni’t hindi rin magtatagal. Ang pamimili sa kung saan-saan ay matatapos. At ang mga pagkakautang mula tarhetang-pagpapautang ay makapagpapahirap sa napakarami. Magkakaroon ng pagiiyakan at pananangis sa lahat ng bahagi dahil sa nakaraang pag-gastus.

Ang parang bula sa mga ari-ariang bahay, gusali o lupa ay sasabog rin. Ang pamilihan ay mapupuno ng mga nagbebenta nguni’t walang namimili. Kahit na sa ngayon, mamahaling mga bahay ay ipinagbibili ng mga mayari na halos mabangkrap dahil sa pagbaba ng mga “stocks”. Isang tagapagbuo ng tahanan sa New Jersey ang nagsabi sa akin ng isang bagong tayong bahay, malapit sa milyong dollar ang halaga, walang anomang gamit sa loob dahil ang mga mayari ay masyadong nahirapan sa pananalapi.

Ang nakakikilabut sa lahat, nakita ko ang isang digmaan na darating. Ang buong mundo ay pasuray-suray na lalakad sa gilid ng isang pananakot ng digmaang-hydrogena. Ito ay maglilikha sa ibat-ibang namumuno sa buong mundo upang manginig.

Hindi ko nais na takutin an sinoman. Nguni’t ang katawan ni Jesucristo ay nararapat na makarinig ng katotohanan patungkol sa mga panahong ito. Ang makadiablong espiritu ay pakakawalan sa mundo. At habang ang nakakikilabut na mga pangyayari ay dadami, ang mga mananampalataya ay gagawing manhid ang mga sarili sa takot. Ang iba pa gagamit ng mga bawal na gamot na katulad ng hindi nakakikila kay Cristo, sa pamamagitan ng alkohol at mga gamot. Ang iba naman ay ibibigay ang sarili sa kamunduhan na lahat ng uri. Si Satanas ay naghanda na para sa kanila ng napakaraming pagkain ng marurumi sa pamamagitan ng TV at ng Internet. Ito lahat ay magdadala sa katigasan sa mga tao ng Dios.

Sa Apolicapsis 16:9, isinalarawan ni Juan ang kakilakilabut, nakasusunog na init na darating sa mundo: “At nangasunog ang mga tao sa matinding init: at sila’y namusong sa pangalan ng Dios na may kapangyarihan sa mga salot na ito; at hindi sila nangasisi upang sila’y luwalhatiin.” Ang mga nagdurusang ito ay naging mansid, tinangihan nila ang pagliligtas. Minabuti pa nila ang impeyerno.

Ang iba sa mga mamumusong na ito ay mga Cristiano. Sa darating na mga araw, ang ma nanlalamig na mananampalataya ay makakaranas ng pagkatuyo ng kanilang mga budhi. Hindi ito pagiging matigas laban sa Dios: manghahawak sila sa anyo ng makadios, at naniniwalang

sila’y ligtas. Nguni’t darating ang panahon na mawawala na ang kanilang mga pakiramdam. At ang kapalit, mawawala na rin ang takot, pagkabigla o kaya ang paguukol sa buhay na walang hanggan. Hihinto na silang lumago kay Cristo. At magigi silang madaling puruhin ni Satanas.

Isinalarawan ni Pablo ano ang nangyari doon sa mga tumangging lumago kay Cristo: “Na sa kadiliman ng kanilang pagiisip ay nangahiwalay sa buhay ng Dios, dahil sa kahangalang nasa kanila, dahil sa pagmamatigas ng kanilan puso: Na sila sa di pagkaramdam ng kahihiyan ay napahikayat sa kalibugan, upang kalakalin an lahat ng karumihan ng buong kasakiman” (Mga Taga Efeso 4:18-19). Ang tunay na kahulugan dito ay, “Sila ay naging kakaiba, nawala ang pakiramdam, nawala ang pagsaliksik sa budhi, naging mahina.” Sa madaling sabi, naging pangkaraniwan sa mga bagay na patungkol sa Dios. At hindi pinansin ang lahat ng pagtawag para magising at hanapin siya.

Ito ring mga mananampalatayang ito ang pinaalalahanan upang “mangagsilaki sa lahat ng ma bagay sa kanya, na siyang pangulo, sa makatuwid baga’y si Cristo” (4:15). Nais ni Pablo magkaroon sila ng pangloob na mapagkukunan na kailangan upang malabanan ang huling pag-atakeng gagawin ni Satanas sa simbahan. Nguni’t walang pagdaloy ang buhay sa kanila. At pinili nila na gamutin ang kanilang mga isip sa pamamagitan ng kalibugan. Ginusto pa nilang lumakad sa kahangalan, binulag nila ang kanilang mga puso sa kanilang mapanganib na kalagayan.

At sa kanilang kabulagan, hindi nila kayang makarinig ng anomang nakatatakot na mga balita. Hindi nila maharap ang kakilabutan na mabilis ng dumarating sa mundo. Kaya’t sa halip na tumakbo na papalapit kay Jesus, ibinigay nila ang mga sarili sa lahat ng uri ng kamunduhang kasiyahan, kasakiman at kasamaan. Sa madaling sabi, hindi na sila masisiyahan pa.

Katulad ni Pablo, nagsusumamo ako sa lahat ng mga bata pang mananampalataya: kung kayo ay nagiging malamig at kakaiba kay Cristo, gumising kayo. Huwag hayaan ang apoy ng Banal na Espiritu ay lumabas sa inyong buhay. Dinggin ang tawag ng trumpeta ng Espiritu, at saliksikin ang Panginoon. Maging buong-panahong ministerio sa kanya, saliksikin siya ng buong puso. At sa ganoon magkakaroon kayo ng kapangyarihan na katulad ni Cristo para harapin ang mga araw na darating.

Niliwanag na mabuti ni Pablo ito: nararapat na lumago kayo kay Cristo, ibibigay ang lahat sa kanya, o matapos na katulad sa isinasalarawan ni Pablo. Kung magpapatuloy kayo sa kahangalan, lalagpas na kayo sa lahat ninyong pakiramdam. Mawawala na ang inyong paguukol para sa mga bagay sa Dios. At magigi kayong isa na sa pinakamasamang makasalanan sa mundo, makagagawa ng kasamaan ng hindi man ninyo naiisip na maaaring mangyari.

Nakakita na ako ng tanda ng ganitong pagkamanhid sa mga Cristiano. Ang iba ay nagiging parang sira ang ulo na gumagastus ng napakalaki sa pagamit na kanilang tarhetang pagpapautang. Ang iba ay bumibili ng bahay na hindi naman kayang bilihin. At marami ay patuloy na bumabagsak palalim ng palalim sa pagkakautang. Ang kanilang katuwiran ay katulad na rin ng mga nasa mundo: “Kung lahat ng bagay ay babagsak, kung ganoon lahat na tayo ay sama-samang bumagsak. Nararapat akong masiyahan sa mga ito habang kaya ko pa.”

Hindi, kailanman. Hindi nila nakikila ang mga panahon. Sa ngayon, isa sa ikatatlong bahagi ng America ay nasa ilalim ng kalagayang tag-tuyot. Mga apoy ay nagsunog ng malalaking bahagi ng kalupaan sa napakaraming estadado. Mga baha ay nagpalubog sa maraming mga lugar, kasama na dito ang pangunahing mga lungsod ng Texas. Nakakikita tayo ng mga hindi pa nararanasang mga pagbabago sa panahon. Nguni’t maraming Cristiano ay hindi pa rin nakukuha ang mensahe.

Ang Dios nawa ang tumulong sa mga tagapagturo ng puro pagunlad, bawa’t nakipagkasunduang mga tagapastol, na binibili ang kapisanan ng mababaw na evanghelio na walang pagsisi. Tulungan nawa ng Dios ang mga lalaking ito kapag lahat ng bagay ay bumabagsak na. Babagyuhin ng mga tao ang kanilang mga ministerio, hihingan sila ng pagpapaliwanag: “Anong nangyayari, pastor? Sabi mo lahat ay mabuti. Ipanahamak mo kami.” Magsasara ang mga simbahan, magkakawatak-watak ang mga mananampalataya. At ang Dios ay pananagutin ang mga ministrong ito sa bawa’t nadilimang kaluluwa na minanhid ang sarili dahil sa mga maling katuruan.

Ang mga tao ay bumaling patungo sa simbahan pagkatapos ng mga pag-atake ng mga terorista. Nguni’t hindi nila nakita ang pag-asa doon. Hindi sila nakarinig ng salita mula sa langit,o kaya ay nakatanggap ng kagamutan para sa kanilang mga nasasaktang kaluluwa. Marami sa mga pastor na nagsipangaral sa kanila ay mga wala ring kaalaman patungkol sa Dios na katulad rin nila. Marami ay hindi mapanalingining mga tao, makamundong mga tagapastol, hindi tunay na mga ministro.

Kaya’t ang mga tao ay nagsialis. At hindi na sila babalik pa kapag ang susunod na masamang kilabut ay dumating. Napagisipan nila na nadaya sila noong una. Kaya’t sa susunod na muli, kapag ang kanilang mga isip ay nababagabag ng mga nakatatakot na mga sakuna, hindi na sila maghahanap ng pag-asa. Sa halip, mamanhirin na nila ang kanilang mga sarili. Babaling sila sa labis na kamunduhan para gamutin ang mga isip.

Sa katunayan, ang mga matatakutin, nagugulumihanan at mga nawawalan ng pag-asa ay makikipagkasunduan sa kamatayan mismo. Natagpuan natin ang kasunduang ito sa Isaias 28, na isinalaysay ng propeta sa nanginginig na Ephraim sa ilalim ng paghahatol: “Ephraim , at ang lipas na bulaklak ng kaniyang maluwalhating kagandahan......parang bagyo ng granizo, na mangigibang bagyo....(Dios) ay ibubuwal niya sa lupa sa pamamagitan ng malakas na kamay.....ang seserdote at ang propeta ay gumigiray dahil sa matapang na alak......sapagka’t lahat ng mga dulang ay puno ng suka, at ang karumihan, ay anopa’t walang dakong malinis......Sapagka't inyong sinabi, tayo’y nakaipagtipan sa kamatayan, at sa Sheol ay nakipagkasundo tayo” Isaias 28:1-5).

Naririto ang pangmamanhid na aking tinatalakay. Ang sinasabi ng mga taong ito, sa madaling sabi, “Ibinigay na namin ang aming sarili sa Sheol. Nakita namin ang aming sarili na naroon na.” Bakit sinabi nila ang ganoong bagay? Pinamanhid na nila ang kanilang sarili sa anomang kakila-kilabot na balita ng paghahatol. Nagpaalala si Isaias, “at mangyayari na ang balita ay magiging kakilakilabot na matalastas” (28:19).

Ang nakatatakot na mga pangyayari na ating haharapin ay totohanang hindi natin mauunawaan. Ano ang gagawin ng mga tao kung ganoon? Katulad ni Ephraim, pamamanhirin rin nila ang kanilang sarili, tatangapin na ang Sheol ang kanilang tutunguhan. Magtatanong kayo, “Nguni’t paano na ang mga Cristiano? Pansinin ninyo kung sino ang tinutukoy ni Isaias sa bahaging ito: tinutukoy niya ay ang mga mananampalataya, mga tagasunod sa Makapangyarihang si Jehovah. Bakit ang mga taong ito ay nakipagkasunduan sa Sheol? Sila ay nagtalikod ng kanilang mga puso, napuno ng karumihan ng mundo. At dahil sa kanilang kamunduhan, naging bulag na sila sa pangespiritual na bagay. Kaya’t kapag dumating na ang paghahatul, napakamanhid na nila kaya’t tatangapin nila ang Sheol na kanilang kapalaran.

Kaya’t ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, aking inilalgay sa Sion na pinakapatibayan ang isang bato, isang batong subok, isang mahalagang batong panulok na may matibay na patibayan: ang maniniwala ay hindi magmamadali” (Isaias 28:16). Habang ang mundo ay nagkakagulo sa takot at kawalan ng kasiguruhan, ang mga buong-panahong tagapuri ng Dios ay mapayapa. Ang Panginoon ang kanilang silungan sa bagyo, ang hindi matitinag na bato. At lahat ng nagtago ng kanilang sarili sa kanya ay ligtas sa panganib.

Sa araw na yaon, si Cristo mismo ay magpapatunay na siya ang lahat-lahat sa kaniyang mga tao: mahalagang tagapagligtas, tagapagingat, pag-asa sa gitna ng bagyo. At habang ang mundo ay nakipagkasunduan na sa Sheol, mayroon naman tayong pakikipagkasunduan kay Jesus. Kapag ang paghahatul ay bumabagsak sa lahat ng paligid natin, tayo ay may kapayapaan, dahil nakikita natin ang ating sarili na nasa langit na.

“Ang maniniwala ay hindi magmamadali” (28:16). Ang kahulugan sa Hebreo nito ay, “Hindi siya mapapahiya o magkakamali.” Walang anomang makapagpapanginig sa atin, dahil alam nating ang ating Dios ay siyang kumikilos. Alam nating dala-dala niya tayo, kung paano niya dinala ang Israel sa desyerto.

Hayaan ninyong tapusin ko ito sa pamamagitan ng isang mabuting balita: isang araw sa Patmos, nakita ni Juan na pabalik na ang barko at patungo sa pulo. Noong ito ay sumampa sa kalupaan, sinabi kay Juan na ang pinakanamumuno sa Roma ay namatay na. Ngayon ang apostol ay binibigyan na ng laya. Kaya’t sumakay na siya sa barko, papalayo sa lugar ng kung saan siya itinapon, at nanirahan sa Ephesus. Mula doon, ang mga naisulat niya ay naging binuhusan ng langis na liwanag sa mundo. Nakita ninyo, pagkatapos ng karanasan sa Patmos ay naisulat ni Juan ang kanyang tatlong kasulatan para sa simbahan at tinalakay ang tungkol sa pag-ibig. Iyon ang itinuro ng Dios sa matapat niyang tagapaglingkod sa pamamagitan ng mahirap na mga panahon: umibig.

Magdudusa ba ang mga Cristiano sa darating ng mga araw? Oo, tayo ay magdudusa. Nguni’t sa katiyakan na hindi nawasak ni Satanas si Juan, hindi hahayaan ng Dios na mawasak ng kaaway ang kanyang banal na labi. Siya ay nagtatayo ng simbahan para sa mga buong-panahong mga ministro, na tatayo sa kanya sa pagdaan ng bawa’t bagyo.

Tagalog