Hindi Ka Nararapat Mamatay sa Iyong Ilang
Hindi pa katagalan, nagplano ako ng isang aklat na patungkol sa paghihirap ng mga santo ng Dios. Nais kong hikayatin ang mga Kristiano tungkol sa katapatan ng Panginoon sa mga tao niya sa gitna ng kanilang pagsubok. Mula noon, maraming mambabasa ang sumulat sa akin, nagpapatotoo kung paano ang Dios ay nagbigay sa kanila ng awa sa panahon ng kanilang paghihirap. Isang babae ang sumulat patungkol sa pagbabata ng pagsubok sa pangangatawan:
"Labindalawang taon ang nakakaraaan, ang asawa kong lalake at ako ay huminto na sa aming mga trabaho, ipinadala kami ng Dios sa mga bansa bilang mga misyonaryo at ebahelista. Noong panahong yaon, naglakbay kami sa mahigit na tatlumpong mga bansa. Madalas kaming magbigay ng gawain sa mga mahihirap na pagkakataon, nguniít palagian kaming iniingatan ng Panginoon ng mabuting katawan at kinaawaan kami ng makalangit na lakas.
"Hangang noong nakaraang Marso, ako ay inatake ng hindi malamang sakit na lalong lalo na ay nakakalason. Nakita rin naming itong sakit na ito ay dumapo sa napakaraming taong aming tinuturuan, sa mga malalayong reheyon. Ito ay nagbubunga ng sakit at pamamaga sa mga kamay. Ang mismong sanhi ng sakit at pamamaga ng mga dugtungan ng buto ay hindi malaman ng nabibilang ng mga espesiyalista. Sila ay kumakamot na lamang sa ulo sa kalituhan.
"Umiyak ako sa Dios, nguniít ang langit ay parang tahimik. Sa buong panahon, hindi ko kailanman naramdaman ang pakikipag-isa a niya sa akin. Nagdaan ang malungkot na siyam na buwan sa ilang ng sakit ay walang katiyakan. Pagdating ng Disyembre 1999, ang sakit ay nagpalubha sa aking katawan ay kaisipan. Ako ay masyadong napapagod na at hindi rin makatulog. Ako ay nawawala na rin halos sa aking pananampalataya. Yaon ang mga ilan sa mga madidilim na araw ng aking buhay. Hindi ko alam noon kung makikita ko pa ang panibagong panahon.
"Hanggang isang umaga, nagising ako sa maliwanag na sikat ng araw at bumalot sa aking silid tulugan. Nalaman kong nakatulog pala ako sa buong gabi. Ang aking unang naisip ay, "Wala na akong nararamdamang sakit." Natatakot akong sabihin sa asawa kong lalake. Naghintay pa rin akong bumalik ang sakit, nguniít hindi na ito bumalik.
"Napag-isipan ko na habang ako ay natutulog, nagtatrabaho naman ang Dios. At parang nararamdaman kong sinabi niya sa demonyo, "Husto na." Ngayon isang taon ang dumaan, at ako ay wala ng nararamdamang sakit. Ang nakatala sa aking ñmangagamot ang salitang: ëmystery miracleí o ëmahiwagang kababalaghaní. Nagkaroon ako ng lakas na kaysa dati. Lumabas ako sa aking ilang na kalagayan na nakahawak sa mga kamay ng aking minamahal na si Jesus, at nagtitiwala sa kaniyang mga Salita."
Pangpalakas ng pananampalataya na bumasa ng mga patotoo na katulad nito, habang ang mga mananampalataya ay lumalabas mula sa kanilang ilang na pagsubok nagpupuri sa katapatan ng Dios. Nagsasalita sila ng mga hapdi, pagsubok, kalamidad, trahedya, pagsubok na parang wala ng katapusan. Una ang kanilang pag-asa ay itinataas, pagkatapos sila ay ibinabagsak. Sila ay nakakaranas ng biglaang pagsabog ng makalangit na lakas, nguniít pagkatapos sila ay masyadong matatakot. Ang mga paulit-ulit na mga katanungan ay bumabaha sa kanilang mga isip: "Bakit ito ay dumating sa akin? Hinahatulan ba ako ng Dios sa aking mga naging kasalanan? Bakit hindi sinasagot ang aking panalangin? Nag-ayuno ako ay nanalangin nguniít hindi ako makarining ng kahit na ano. Bakit?
Sila ay nawawala ng pagasa sa kanilang pagsubok, handa ng mawalan ng malay. Nguniít sa lahat ng mga ito, ipinagpatuloy pa rin ang pananampalataya. Paano? Hinayaan nilang dalahin sila ng pagsubok sa pananalangin. Ang naging bunga, ang pagtitiwala nila sa Panginoon ay lalo namang lumago. Lumabas sila sa ilang nila na may patotoo ng kabutihan ng Dios at kapangyarihan para magpagaling.
Sasabihin ko sa inyo, hindi pa ako nakarinig ng malubhang mga kahirapan sa mga tao ng Dios. Ang aking asawang si Gwen, at ako ay nagugulat sa mga sulat na aming mga nabasa. Sinasabi namin sa bawat isa, "Nakabasa ka na ba ng katulad nito? Ang dinaranas na pagdudusa ng taong ito ay hindi na kayang isipin pa."
Ang mga tao ay nagsasaad na dinadapuan ng masamang, mapanganib sa buhay na mga sakit. Ang mga pamilya ay nasa kaguluhan, na ang mag-asawa ay handa ng maghiwalay, ang mga anak ay naghihimagsik at nagiging mga sugapa sa bawal na gamot. Ang iba ay sumulat na ang kaisipan nila ay nasa ilang at ganoon ang espiritual. Humaharap sila sa kalungkutan, takot, pagaalala ng lahat ng uri. Ang iba ay nagdadala ng bigat ng pananalapi at mga pagkakautang. At ngayon ang mga bagay na ito ang nagtutulak sa kanila na pumaroon sa ilang ng pagkasiphayo.
Ang isang lalake na nawala ang mahal sa buhay sa isang trahedya ay sumulat, "Nanginginig ako sa tuwing tutunog ang telepono. Nagiisip, "Masama ba o mabuting balita ito? Isang tawag lamang."
Ang isang makadios na babae ay sumulat na nakakatanggap ng tawag. Sabi niya, "Kami ay matatag, naniniwala sa Biblia ang pamilya ko at nagsisimba palagian. Sa panahon ng aming pagsubok, ang aming mga magagandang anak na lalake ay may gulang ng 7, 3 at 14 na buwan. Ang masamang tawag sa telepono ay dumating sa akin noong August 26, 1996. Ang asawa kong lalake ay nahulog sa bubungan 35 na talampakan habang pinapalitan niya ito.
"Kinakailangan niya ng pagoopera para ayusin ang nabaling pigi at siko. Ang huli niyang sinabi sa akin bago ang operasyon ay, "Sabihin mo sa mga anak natin na mahal ko sila, at magkita tayong lahat sa umaga.í Nguniít sa panahon ng pagoopera, nagkaproblema ang mga manggamot. Sa umaga, ang asawa ko ay hindi na makakilos o ëcomatoseí na.
"Ang sabi ng pananampalataya ko na siya ay nagpapahinga lamang, at sa takdang panahon siya ay babalik sa amin. Nguniít labintatlong araw ang nakaraan ñ pagkatapos ng maraming mga pagoopera, paglilipat sa pinakamahusay na pagamutan, at pangmalawakang walang patid na pananalangin ñ kinuha rin ng Dios ang asawa ko.
"Lahat ay parang magiging mabuti para sa amin. Hanggang biglaan, ang aming mundo ay bumagsak. Hindi kailanman nagsabi si Jesus na hindi haharap sa pagsubok ang mga Kristiano, hindi ba? Ngayon, sa pagpapalaki ng tatlong batang lalake na mag-isa, ito ay nagpatotoo sa akin.
"Nguniít sa lahat na ito, ang mga batang lalake ko ay may nais na lagpas kung ihahalintulad sa langit. Hindi lamang mayroon silang Amang Dios na nag-aantay sa langit, ay mayroon silang pangmundong ama na nag-aantay doon, at nagpabago ito ng buhay nila. Nagpupuri na kami sa Dios na kinuha na ang ligtas nilang ama sa langit. Ito ay ating layunin na sa ating lahat isang araw."
Ang babaeng ito ay lumabas sa kanyang ilang na nakasandal rin sa kamay ni Jesus. Nguniít maraming Kristiano ay parang hindi matagpuan ang kapahingahan sa Dios, kapahingahan sa gitna ng pagsubok, at lakas. Tatanungin kita: Paano mo hinarap ang iyong ilang na pagsubok? Maaring nagdaranas ka sa ngayon.
Maaring ang iyong ilang ay nasa ilang ng Kamatayan. Narinig mo ang mangagamot na nagsabi, "Ito ay kanser. Ito ay malignant." O kaya, ang isa sa mga pamilya mo ay may sakit na hindi na gagaling. Nakikihati ka mga sakit ng napakaraming nasa mga pagamutan, nagtitiis, nag-aantay sa mga pagamutan, nanangis para sa isang kahiwagan na gagawin ng Dios.
Maaring ang iyong ilang ay ang nasa malalim na pagkalungkot. Nahihirapan kang gumising tuwing umaga dahil sa madilim na ulap na patuloy na nakapatong sa ulo mo. Ang patuloy mong iyak ay, "Panginoon, tulungan mo ako. Hindi ko na kaya ito." Kung nagsisimba ka, pinipilit mong ilagay ang ngiti sa mga labi mo. Nguniít sa loob mo, nagdadaan ka sa impiyerno. Nag-ayuno ka, nanalangin, hinanap ang Panginoon sa mga araw, linggo, buwan. Nguniít ang Dios ay parang hindi sumasagot sa iyong panalangin.
May mga oras, lahat tayo ay napaparoon sa ilang. Makakasulat na ako ng isang aklat sa napakarami ng mala desyertong pagsubok na binata ko sa buhay ko. Nguniít ang ilang Kristiano ay pilit iniiwasan ang ilang na talaga namang dumarating sa ating lahat. Akala nila ang ganitong pangungusap ay nagkukulang sa pananampalataya. May alam akong isang pastor na nagsabi sa kanyang kongregasyon, "Ang pananampalataya ko ay nagpamanhid na sa akin sa anomang paninira. Ipinalolokob ko lahat ng sakit at kalamidad sa pangalan niJesus. Itinatakwil ko lamang ang lahat ng ito."
Hindi ako naghahangad ng anomang masama sa kaninoman, nguniít walang pasubaling ang taong ito ay patungo sa kanyang ilang. Ang paniniwala niya ay hindi nakaayon sa nasusulat sa Banal na Kasulatan. Sinulat ni David, "Iligtas mo ako, Oh Dios; sapakaít ang tubig ay tumabon sa aking kaluluwa. Akoíy lumulubog sa malalim na tubig, na tinatabunan ako ng agos. Akoíy hapo sa aking daing; ang lalamunan koíy tuyo; ang mga mata koíy nangangalumata habang hinihintay ko ang aking Dios." (Mga Awit 69:1-3).
Niliwanag ito ng Biblia: kahit na ang pinakamadios pa sa atin ay daranas ng malalim na ilang na pagsubok. Ang tanong ay, paano tayo lalabas sa mga ito? Natitiyak kong ang pagdaan natin ating ilang ay magbubunga ng pagbabago sa atin. Pagkatapos ng lahat, dito lamang sa ilang inilalagay ang ating pananalampataya sa apoy. Kayaít, ang iyo bang pangkasalukuyang pagsubok ay nagpapabago sa iyo para maging mabuti ka o sumama?
Nagpatotoo ka na Mayroong Kang Pananampalataya, Nguniít Paano mo Natamo Ito?
Sa anong bagay nabuo ang iyong pananampalataya? Ang Banal na Salita ay nagsasabi sa atin na ang paniniwalaíy nanggagaling sa pakikinig, (tingnan sa Mga Taga Roma 10:17). Naririto ang sinasabi ng Biblia tungkol sa pagdaan natin sa ating ilang sa ating mga buhay:
"Huwag akong tangayin ng baha, ni lamunin man ako ng kalalimanÖÖÖ.Sagutin mo ako, Oh Panginoon; sapagkaít ang iyong kagandahang-loob ay mabutiÖÖ..At huwag mong ikubli ang iyong mukha sa iyong lingkod; sapagkaít akoíy nasa kahirapan" (Mga Awit 69:15-17). Maliwanag, ang mga tubig ng pagdadalamhati ay bumabaha sa buhay ng mga makadios.
"Sapagkaít ikaw, Oh Dios, tinikman mo kami: at iyong sinubok kami na para ng pagsubok sa pilak. Iyong isinuot kami sa silo; ikaw ay naglagay ng mainam na pasan sa aming mga balakangÖÖkami ay nangagdaan sa apoy at sa tubig" (66:10-12). Sino ang nagdala sa atin sa silo ng mga pasan? Ang Dios ang maygawa.
"Bago ako nagdalamhati ay naligaw ako; nguniít ngayoíy tinutupad ko ang iyong salitaÖ.Mabuti sa akin na akoíy napighati; upang aking matutuhan ang mga palatuntunan mo" (119:67, 71). Ang talatang ito ay nagpapatibay at nagpapaliwang: Mabuti para sa atinóat napagpapala tayoóna may mga pasanin.
Isaalang ang patotoo ng Mangaawit: "Aking inibig ang Panginoon, sapagkaít kaniyang dininig ang aking tinig at aking mga hilingÖ.Ang tali ng kamatayan ay pumulupot sa akin, at ang mga sakit ng Sheol ay nagsihawak sa akin; aking nasumpungan ang kabagabagan at kapanglawan. Nang magkagayoíy tumawag ako sa pangalan ng Panginoon; Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, iligtas mo ang aking kaluluwa" (Mga Awit 116:1-4). Naririto ang matapat na tagapaglingkod na umiibig sa Dios at may malabis na pananampalataya. Nguniít humarap sa kapanglawan at kasakitan, kaguluhan at kamatayan.
Matatapagpuan nating ang ganitong kalakaran sa kabuuan ng Biblia. Salita ng Dios ay malakas na nagsasabi na ang daan sa pananampalataya ay sa pamamagitan ng mga baha ng tubig at apoy. Ang daan moíy nasa dagat, at ang mga landas moíy nasa malalawak na tubig" (Mga Awit 77:19). "Narito, akoíy gagawa ng bagong bagay; ngayon yaoíy lalabas; gagawa rin ako ng daan sa lupang masukal, at mga ilog sa ilang" (Isaias 43:19). "Pagka ikaw ay dumaan sa tubig, akoíy sasaiyo; at sa mga ilog ay hindi ka tatakpan niyaon: pagka ikaw ay lumalakad sa apoy, hindi ka masusunog; o magniningas man ang alab sa iyo" (Isaias 43:2). "Sapagkaít akong Panginoon mong Dios, ay hahawak ng iyong kanang kamay, na magsasabi sa iyo, Huwag kang matakot; aking tutulungan ka" (Isaias 41:13).
Itong huling talata ang naghahawak ng mahalagang susi: Sa bawaít ilang na karanasan natin, ang ating Ama ay humahawak sa ating kamay. Kayaít yoon lamang nagdadaan sa ilang ang nakakatagpo ng kamay ng kapahingaan. Iniuunat niya ito sa mga nahahagip ng rumagasang mga ilog ng kaguluhan.
Isang mambabasa na nasa ating tala ng mga pinadadalahan ng sulat ay sumulat ng makapangyarihang aklat sa pagbabata ng kahirapan. Ang pangalan niya ay si Esther Hunter, at ang pamagat ng aklat ay "Joy in the Mourning". Sumulat si Esther kamakailan ng malubhang pagsubok na kaniyang binata. Siya at asawang lalake ay lumipad mula sa kanilang tahanan sa Arkansas patungo sa Manitoba, Canada, para ilibing ang siyamnapungtaong gulang na mangangaral niyang ama. Lahat ng labindalawang anak ng makadios na taong ito ay nagsidalo upang parangalan siya sa kaniyang paglisan.
Ang mga anak ni Esther at ang mga pamilya nila ay nagsisikan at nakalunan sa limang sasakyan para magdala sa kanila pauwi mula sa punerarya. Nguniít sa daan, bumagsak ang malakas ng bagyo ng yelo, nagdala ng puro yelo sa daan. Sa gitna ng unos, ang nangungunang sasakyan ay nahiwalay sa iba.
Si Esther at asawa niya ay nakalulan sa pangalawang sasakyan. Sa unahan nila, nakita nila ang masamang sakuna, ang dalawang sasakyan ay malubhang nayupi. Si Esther ay tagapag-alaga ng may sakit, kayaít inihinto ng asawa niya ang sasakyan para tumulong. Habang papalapit sila sa pinangyarihan, napagwari nila sa kanilang panghihilakbot na ang isa sa mga sasakyan ay ang nangungunang sasakyan na kanilang pagaari. Ang parating na sasakyan ay sumubok na lagpasan ang isang trak sa gitna ng pagbaha ng yelo at sumalpok dito.
Tumingin si Esther sa wasak na sasakyan at nakita niya ang kapatid niyang babae, ang apat na taong gulang na pamangking lalake, at dalawa sa kapatid niyang lalake na nakahandusay sa loob ng sasakyan. Hinatak niya palabas ang kanyang pamangking lalake, na isinugod sa pagamutan. Hinatak naman ni Esther palabas ang kanyang kapatid na babae, na pagkatapos ay namatay sa kanyang mgabraso. Ang kanyang mga kapatid na lalake ay patay na, namatay sa lakas ng pagsalpok ng sasakyan.
Nakaligtas ang pamanking lalake ni Esther sa kalunus-lunos na sakunang yaon. Nguniít walang isa man sa kaniyang pamilya ang makakalimot sa hindi maisasalarawang tagpo sa malamig, malungkot na lansangang yaon. Samantala, ang kanilang ama ay nakahiga sa ataol sa puneraryang yaon. At ang kanilang ina, na may karamdamang "Alzheimer", ay walang kaalam-alam sa sakunang nangyari.
Sa loob na dalawang taon, si Esther ay naglakbay sa ilang ng kalungkutan at pagkalito. Patuloy siyang nalulunod sa mga luha. Nagdadala siya ng mga tanong, paninisi sa sarili at matinding kabigatan ng "ano kung". Nagugul siya ng mga oras sa pananalangin at pagsasaliksik niya sa Salita ng Dios. Matindi ang pangangailangan niyang makatagpo ng kahit na isang guhit lamang ng kagaanan at kagamutan mula sa napakasamang sakuna.
Isang araw, habang naglalakad si Esther sa tabi ng ilog, pumulot siya ng bato. Isinulat niya ang mga katatang, "Hindi ko kayang dalahin ang kabigatang ito." At napagwari niya, "Hindi ko na maaring sisihin pa ang sarili ko." Sa panahong yaon, inalis na ng Dios ang kanyang kabigatan.
Si Esther ay lumabas sa kanyang masamang ilang na nakasandal sa mga braso ni Jesus. At mayroon siyang makapangyarihang patotoo: "Ginawa ng Ama ko ang lahat ng ito. Sa aking mapagmahal na Ama, walang sakuna." Totohanang siyang nakatagpo ng galak sa kanyang pagluluksa.
Ang Ibang Cristiano Nais na Punitin ang Aklat ni Job Mula sa Biblia.
Ang ibang mananampalataya ay hindi alam ang gagawin sa katotohanang si Job ay taong mabuti, banal, mahal ng Dios na nagdusa ng masasamang sakuna. Ang sabi sa maga Kristianong yaon: Imposible para sa atin na malaman ang tunay ang pananampalataya kung hindi nating titingnan ang mga pagdudurusa ni Job at sasabihing, "Pinayagan ng Dios ang lahat ng mga bagay na mangyari kay Job para sa kadahilanan."
Oo, pinayagan ng Dios ang pagkuha sa kanyang mga anak. Pinayagan rin niya ang pagkawala ng kanyang kalusugan, mga ari-arian, ang kanyang dangal. Si Job ay napahiya sa mga kamay ng kanyang tinatawag ng mga kaibigan. Ang sarili niyang asawang babae ay uminsulto na sa kanya. At ang kanyang katawan ay nagtaglay ng nakakatakot, masasakit na sugat.
Ang taong ito ay namuhay ng may hindi makayanang sakit at kalungkutan sa puso. Tingnan mo siya sa gitna ng pagkasira ng buhay niya: pinabayaan, bagsak ng kapighatian, parang hindi na pinakikingan ng langit ang mga panalangin niya. Si Job ay nagugul ng madidilim, walang tulog ng mga gabi, at malubhang, masasakit ng mga araw. Ang kanyang sakit ay napalubha, hiniling na niya sa Dios ang kunin ang buhay niya. Nguniít, sa lahat ng ito, ang Dios ay nagmamahal pa rin sa kanya. Totoo, si Job ay hindi mas napakahalaga sa paningin ng Dios kaysa noong nasa gitna ng kanyang mga pagsubok.
Noong si Job ay nasa pinakamalubhang oras na ang Panginoon ay nagbigay sa kanya ng makapagpabagong pagpapahayag ng kanyang sarili. Siya ang mismong nanguna kay Job na palabas sa kanyang ilang ng lugar. At si Job ay lumabas na may pananampalatayang hindi maaaring magupo at nagpapatotoong, "Bagaman akoíy patayin niya, aking ding hihintayin siya" (Job 13:15).
Sa magkasalungat, ang ibang pananampalataya ay lumalabas sa kanilang ilang na may pait ay galit. Ang kanilang pagsubok ay nagpabago sa kanila patungo sa pagdududa, tumigas ang puso, hindi maaring manumbalik pa ang pagtatakwil nila sa Dios. "Nguniít sinabi ng Sion, Pinabayaan ako ni Johova, at nilimot ako ng Panginoon."(Isaias 40:14).
Nakita kong ang mga nagdudusang mga Kristiano na bumaling ng totohanan laban sa Panginoon na minsan nilang minahal. Pinaratangan nila ang Dios na pinabayaan sila sa kanilang pangangailangan. Kayaít, ang kapalit nito, nilimot na nila lahat ang pananalangin. Isinaisang tabi nila ang kanilang mga Biblia. At hindi narin sila dumadalo sa simbahan. Sa halip, dinala nila ang matinding galit at pagkagalit laban sa Dios.
May alam akong ministro na ang pananampalataya ay naliglig ng kamatayan sa kanyang pamilya. Akala ng taong ito na ang pananampalataya niya ang nagingat sa kanya sa lahat ng mga sakuna. Hanggang, noong dumating ang sakuna, siya ay lubhang nasira. At siya ay totohanang lumaban sa Panginoon. Ang mga kaibigan niya ay nagulat sa pagkakaroon niya nag matigas na puso. Ang sabi niya sa kanila, "Ayaw ko nang marinig pa kailanman ang Pangalan ni Jesus na babangitin ulit."
Nakapanglulumo, ang ibang mananampalataya ay namamatay sa kanilang mga ilang na lugar. Ito ang nangyari sa Israel. Maliban sa matapat na sina Caleb at Josue, ang buong henerasyon ng Israelitas ñ ang mga taong kahiwa-hiwagang iniligtas mula sa Ehipto- ay nasayang sa malubhang kalagayan nila sadesyerto. Sila ay namatay na puno ng pagdududa, kalungkutan, paghihinagpis, pait. Bakit? Tumangi silang magtiwala sa ipinangakong mga Sinalita ng Dios na iingatan sila sa panahon ng pagsubok.
Ang Panginoon ay nangako sa kanila, "Huwag kayong mangilabot ni matakok sa kanila..... Ang Panginoon ninyong Dios, na nangunguna sa inyo, ay kaniyang ipakikipaglaban kayo......At sa ilang, na inyong kinakitaan kung paanong dinala ka ng Panginoon ninyong Dios, na gaya ng pagdadala ng tao sa kaniyang anak.....(Siya) na nagpauna sa inyo sa daan, upang ihanap kayo ng dakong mapagtatayuan ng iyong mga tolda....kung saan daan kayo dadaan"(Deuteronomio 1:29-33).
Nguniít basahin ninyo ang nangyari sa mapagdudang, matigas ang pusong henerasyon: "At ang mga araw na ating ipinaglakad......ay tatlong puít walong taon; hanggang sa nalipol sa gitna ng kampamento, gaya ng isinumpa sa kanila ng Panginoon.. Bukod ditoíy ang kamay ng Panginoon ay naging laban sa kanila, upang lipulin sila sa gitna ng kampamemto, hanggang sa silaíy nalipol"(2:14-15). Naghintay ang Dios hanggang sa ang pinakahuli ay mamatay bago pa muling nangusap siya sa Israel: "Kayaít nangyari, nang malipol at mamatay sa gitna ng bayan ang lahat ng lalaking mangdidigma... Ay sinalita sa akin ng Panginoon," (2:16ó17).
Ano ang dahilan ng pagkamatay ng henerasyong ito sa gitna ng ilang? Ito ay parehong kadahilanan rin sa pagkamatay ng mga Kristiano sa kanilang mga ilang sa ngayon.
Hindi Nila Kailanman Tinanggap ang Pag-ibig ng Dios para sa Kanila.
Sa buong pagsubok ng mga Israelitas, sinubukan ng Dios na paulit-ulit na iparating ang kanyang malaking pag-ibig sa kanila. Nguniít ayaw nilang taggapin ito. Hindi sila makapaniwala na ang pagsubok nila ay nagmula sa pag-ibig. Sa halip, sinasbi ng mga tao paulit-ulit, "Kung mahal tayo ng Dios, bakit tayo dinala dito sa desyerto para patayin tayo? Bakit hinayaan niya tayong magdusa ng malubha?
Dito, makikita natin ang ugat ng hindi paniniwala: ang pagtanggi na maniwala at magpahinga sa pag-mamahal ng Dios sa mga anak niya. Nguniít, ang buong katuwiran na hinirang ng Dios ang Israel para maging tao niya ay dahil sa pag-ibig: "At sapagkaít kaniyang inibig ang iyong mga magulang, kayaít kaniyang pinili ang kaniyang binhi pagkatapos nila....Hindi kayo inibig ng Panginoon, ni pinili kayo ng dahil sa kayoíy marami sa bilang kaysa alin mang bayan; sapagkaít kayo ang pinamalapit sa lahat ng mga bayan (Deuteronomio 4:37, 7:7-8). Pinagsabihan ang Israel, "Hindi kayo pinili ng Dios dahil sa anomang mahalagang bagay sa inyo. Pinili kayo dahil iniibig kayo." Isaalang-alang:
Bakit hinayaan ng Dios na isumpa si Balaam? "Gayon maíy hindi dininig ng Panginoon mong Dios si Balaam; kundi pinapaging pagpapala ng Panginoon mong Dios, ang sumpa sa iyo; sapagkaít iniibig ka ng Panginoon mong Dios" (23:5).
Bakit inilagay ng Dios ang Israel sa ganong kalagayan sa Dagat na Mapula? Nais niyang makita kung magtitiwala sila sa pagibig ng kanilang makalangit ng Ama. Nagtataka siya, "Anong uri ng Ama na nais na maisalarawan ako ng aking mga tao? Naniniwala ba kaya sila na totohanan ko silang iniibig na sapat na hindi ko sila maaring pabayaan sa kamay ng mga kaaway? Magtitiwala ba sila sa parang bakal na pangako ko na maiiaalis ko sila sa ano mang kalagayan? Alam ba nilang hindi ko sila pinabayaan kailanman, kahit na ang mga bagay-bagay ay mukhang madilim at walang pag-asa?"
Bakit pinangunahan ng Dios ang Israel sa mapait na tubig sa Marah? Minsan pa, nais niyang makita sa mga tao niya ang patotoo na nananampalataya nga sila sa pag-ibig niya sa kanila. Nais niyang malaman kung pinagtitiwalaan siya na makapapawi ng pag-kauhaw dahils sa malaking pag-ibig.
Nakita rin natin ang isa pang pag-subok noon ang Israel ay papalapit na sa lupang ipinangako. Labindalawang lalake ang pinag-utusan na tingnan ang lupa. Nguniít sampu ang bumalik na may masamang balita." Sinasabi nilang ang Israel ay hindi kailanman maaaring makamit ang lupa, dahil ito ay puno ng mga higante, matataas ng lugar, matitibay ang pader sa lungsod, mga hadlang na masyadong nakakatakot para mapagwagian.
Ano ang ginawa ng mga tao sa ganitong balita? Minsan pa, umiyak sila sa takot at hindi paniniwala: Nguniít sinabi ng mga lalaking nagsiakyat na kasama niya, Hindi tayo makaaakyat laban sa bayan; sapagkaít silaíy malakas kay sa atin" (Mga Bilang 13:31). Ang sinasabi nila, " Ang mga kaaway ay malakas kaysa sa pag-ibig ng Dios para sa atin." Inakusahan nila ang Panginoon na pinabayaan sa panahon ng kanilang pangangailangan, at iniwan sila sa sariling kakayanan. At inubos nila ang buong gabi na nagrereklamo, umiiyak, " Sana patay na ako. Bakit inilagay tayo sa ganitong walang pag-asang kalagayan?" Si apostol na Esteban ay nagsabi sa mga tao, "Sa mga puso nila, (sila) ay bumalik muli sa Egipto" (Mga Gawa 7:39).
Minsan pa, nakita na sa bawaít krisis, tinitiyak ng Panginoon sa mga tao, "Inibig ko kayong matapat." Nguniít bawaít panahon, hinayaan nila ang bawaít handlang na makapagpalabo sa kaalaman na minamahal kayo ng Dios.
Pagisipan ninyo ito; Kung tayo ay naniniwala, tinatangap at nagtitiwala sa pagmamahal ng ating makalangit na Ama, ano ang dapat nating ikatakot? Natotohan ko, halimbawa, na kung totohanan akong nagtitiwala sa pagmamahal ng Dios akin, hindi ako natatakot na maloko. Kung totoong sa kanya ako ñ kung naniniwala akong dinadala niya sa mapagmahal niyang mga braso- kung sa ganoon hindi niya kailanman hahayaan o kung ano mang tinig na iligaw ako.
O kaya man ay matakot ako ng biglaang sakuna, o pagbagsak, o kaya ay ang pagtanaw sa walang katiyakang bukas. Ang mapagmahal kong Ama ay hindi tutulot ng anomang bagay na mangyari sa aking buhay, maliban doon sa mga bagay na nakalaan bago pa man na makabubuti sa akin at sa mga minamahal ko sa buhay. Kahit na ano pa man ang suliranin ko, gagawa siya nag paraan para sa akin. Ang Dios ng pag-ibig ay maaring makagawa ng mga kababalaghan para sa ikakabuti ko, kung pagtitiwalaan ko lamang siya.
Ito ay makatutulong sa aking para harapin ang mahihirap na panahon, maiinit na pagsubok, kahit na kamatayan. Alam na sa pamamagitan nilang lahat, ang Panginoon ko ay makikibahagi ng mga sakit ko, mga luha ay magiging napakahalaga na parang ginto para sa kanya. Hindi niya papayagan ang mga pagsubok na sirain ako. Parati siyang tapat para gumawa ng daan para makaalis ako.
Maaaring magtaka kayo, "Nguniít hindi baít sinira na natin ang ating buhay, sa ating mga maling pag-papasya? Hindi baít nagdadala tayo ng kaguluhan sa ating sarili dahil lumabas tayo sa kagustuhan ng Dios? Paano yoong mga kalokohan nating ginawa na nakapagpapalito sa atin?" Tinitiyak ko sa inyo: Kung pagtitiwalaaan lamang ninyo ang pag-ibig ng Dios, magsisi kayo at kumapit sa kanya, lilinisin niya ang lahat ninyong karumihan. Ang mga abo natin ay gagawin niyang maganda.
Sila ay Bulag sa Kasiyahan ng Dios sa Kanila.
Ang ating Dios ay hindi lamang nagmamahal sa kanyang tao kundi nasisiyahan sa bawaít isa sa tin. Siya ay lubhang natutuwa sa atin. At siya ay totohanang napagpapala sa pag-iingat at pagliligtas sa atin.
Nakita ko itong uri ng makamagulang na kasiyahang ito sa aking asawang babaeng si Gwen, kung ang isa sa aming mga apo ay tumawag. Si Gwen ay nagliliwanag na parang Pamaskong puno kapag ang isa sa aming maliliit na bata ay nasa linya. Walang makapagaalis sa kanya sa telepono. Kahit na sabihin ko sa kanya na ang Pangulo ay nasa pintuan, paaalisin niya ako at magpapatuloy sa pakikipagusap.
Paano ko mapaparatangan ang makalangit kong Ama ng kasiyahan para sa akin ng kulang kaysa sa ginagawa ko sa aking mga pamilya? May mga panahon na ang aking mga anak ay naibabagsak ako, gumagawa ng mga bagay na labag sa aking itinuro sa kanila. Kayaít kung mayroon ako ng uri ng mapagtiis na pagmamahal bilang amang hindi naman lubos na mabuti, gaano pa kaya ang ating makalangit na Ama na may pagmamalasakit para atin, mga anak niya?
Kayaít nasumpungan ko itong tagpo ng mga lihim na nagmatyag sa Israel ay nakapagtataka. Sa bawaít panahon, pinatunayan ng Dios ang pagmamahal niya sa kanyang mga tao. Nguniít sa bawaít pagkakataon, tinangihan nilang tangapin ito. Hanggan sa huli, si Josue at Caleb ay tumayo sa kalagitnaan nila at umiyak, "Kung kalulugdan tayo ng Panginoon ay dadalhin nga niya tayo sa lupaing yaon, at ibibigay niya sa atin;" (Mga Bilang 14:8). Anong napakadali nguniít makapangyarihang pagsasaad. Ang sinasabi nila, "Ang ating Panginoon ay natutuwa at nagmamahal sa atin. At lilipulin niya ang bawaít higante, dahil natutuwa siyang gawin iyon para atin. Kung gayon, hindi natin dapaít tingnan ang ating mga hadlang. Dapat nating ituon ang ating paningin sa marubdub na pag-ibig ng Panginoon para sa atin."
Sa kabuon ng mga Salita ng Dios nabasa natin na ang Dios ay natutuwa sa atin: "Silang suwail sa puso ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguniít ang gayong sakdal sa kanilang lakad ay kanyang kaluguran"(Mga Kawikaan 11:20). "Ang dalangin ng matuwid ay kaniyang kaluguran" (15:8). "Iniligtas niya ako sa aking malalakas na kaaway....silaíy totoong makapangyarihan sa ganang akin....nguniít ang Panginoon ay siyang aking gabay. Inilabas naman niya ako sa maluwag na dako; iniligtas niya ako, sapagkaít siyaíy nalulugod sa akin" (Mga Awit 18:17-19).
Dito sa huling pangungusap na ito, nalaman natin ang malaking katotohanan na hindi nakuha ng mga Israelitas: "Inilabas niya ako, dahil nalulugod siya sa akin." Gaano man kalakas ang ating mga kaaway- gaano man kainit ang ating mga pagsubok, o kaya ay kawalang pag-asa ang mga bagay-bagay- ilalabas tayo ng ating Dios. Bakit? Dahil nalulugod siya sa atin!
Ginawa ng Dios ang pag-ibig niya sa Israel na masagana at maliwanag. Kayaít maaari niyang tanungin ang mga tao niya, "Bakit sinabi mo, Oh Jacob, at sinasalita mo, Oh Israel, Ang daan ko ay lingid sa Panginoon, at nilalagpasan ng aking Dios ang kahatulan Ko?" (Isaias 40:27). Ang sinasabi niya, "Paano ninyo masasabi na hindi ko nakita ang inyong pagsubok? Paano kayo naniniwala na hindi ako nalulugod sa inyo? Nalulugod ako sa aking tagapaglingkod na si Job, lahat sa kabuon ng kanyang masasamang karanasan. At ako ay nalulugod sa iyo sa ngayon, sa gitna ng iyong paghihirap."
Ito ay lubhang pangangailangan na tayo ay manampalataya-mabilis, matatag, ngayon ñ na ang Dios ang nagmamahal sa atin at nalulugod sa atin. Kung gayon ay maaari na nating tangapin ang bawaít pangyayari sa ating buhay na magpapatunay na dahil pag-ibig ng Ama sa atin. Lalabas tayo mula sa ating ilang na nakasandal sa mapagmahal na mga kamay ni Jesus. At magdadala siya ng tuwa mula sa ating mga pagluluksa.
Mga minamahal na santo, huwag ninyong tingnan ang dumadami ninyong mga dapaít na bayaran. At huwag rin ninyong subukan tingnan ang inyong walang katiyakang hinaharap. Ang bahagi ninyo ay ang magtiwala sa mga pangako ng inyong mapagmahal na Ama, at sumandal sa kanyang malaking pagibig para sa iyo. Lalabas kayong matagumpay, sapagkaít inaalalayan ka ng kanayang mapagmahal na mga braso.