Sa Diyos ay Walang Impossible
May alam akong isang tao na namumuhay sa patuloy na takot. Ang napakasamang pakiramdam ay nagumpisa sa kanya sa araw na lumakad siyang papalayo sa Panginoon.
Ang taong ito ay dating ligtas and puno ng Espiritu ng Dios. Siya ay nagpatotoo sa kapangyarihan ng awa ng Dios sa buhay niya. At siya ay magaling ng patotoo para sa gospel. Nagpayo siya maraming tao sa simbahan, nagpapadama ng pagmamahal ni Cristo sa kanila. Nguni’t isang araw, mula sa kung saan, sabi niya, "Nakuha ko na. Ayaw ko na ng ganitong buhay."
Sinasabi niya sa lahat sawa na siya sa mga Cristiano. At nagagalit siya sa Dios sa hindi pagsagot sa kangyang panalangin. Sabi niya sa Pastor niya, "Lahat ng pangangaral mo ay naglalagay ng kasalanan sa akin. Nais kong magsaya sa buhay ko. Alam mo na, uminom ng kaunti, danasin ang masasayang panahon, dumalo sa pagtitipon para magsaya, paminsan-minsan. Hindi ko naman lalabisan. Nais ko lamang ng kaunting kasayahan." Kaya’t kinalimutan niya ang kangyang pananampalataya.
Pansinin sana ninyo, ang taong ito ay hindi yoong nadidiliman sa kanyang espiritu. Mayroon siyang malakas na pangunawa sa katuruan ng Biblia. Siya ay may sandata ng katotohanan. Hinayaan niya ang Banal na Espiritu na palambutin ang puso niya at kilalanin ang kasalanan. At naranas niya ang tuwa sa pagsisilbi sa Panginoon.
Nguni’t ngayon, ang tao ring ito ay ang kabaligtaran ng isang Cristiano. Siya ay bumagsak na malalim sa kasalanan. Siya ay nagdadala ng masakit na kalungkotan sa puso niya at sinusubukan niyang ilubong ito sa pag-iinom. Nagdadalo sa mga pagtitipon para matagpuan ang saya, nguni’t lalo lamang siyang natutuyo. Nakikipagtalik siya sa ibat-ibang babae, nguni’t pagkatapos ay lalo siyang nalulungkot kaysa dati.
Itong minsang malakas na mananampalatayang ito ay nasa malalim na pababa at paliko-likong landas, at nalalaman niya ito. Dahan-dahan siyang nagiging sugapa sa pag-inom. Umiiyak siya habang iniisip niya ang naging buhay niya. At mayroon siyang malubhang takot na pinabayaan na siya ng Dios. Naniniwala siyang lumagpas siya sa dapat, at ngayon ay hindi na maaring bumalik pa. Noong huli ko siyang nakausap, sabi niya, "Nagkasala ako sa maraming pagpapala. Ngayon, hindi ko maisip na nagkasala ako sa pagkawala ng lahat ng pag-asa." Nakita niya ang sarili niya na napakalayo na, nakabaon na sa kasalanan, na hindi na maaring bumalik sa Dios.
Sa isang ponto, sinulatan niya ako at nagsasabi na binabagabag siya ng lahat ng mga sermon na narinig niya. Nakita niya ang sarili niya sa paalala ni Pablo, "Nguni’t hinahampas ko ang aking katawan, at aking sinusupil: baka sakaling sa anomang paraan, pagkapangaral ko sa iba, ay ako rin ay itakuwil." (1 Mga Taga Corinto 9:27).
Sa katapusan, sa lubhang kasawian, nagpasya siyang bumalik sa simbahan minsan pa, para hanapin ang pag-asa. Nguni’t ang sermon na narinig niya sa araw na iyo ay nagyugyug sa pinakailalim ng kangyan pagkatao. Kinuha ito sa Mga Hebreo 6:4-6: "Sapagka’t tungkol sa mga minsang naliwanagan at nakalasap ng kaloob ng kalangitan, at mga nakabahagi ng Espiritu Santo. At nakalasap ng mabuting salita ng Dios, at ng mga kapanyarihan ng panahong darating, At saka nahiwalay sa Dios ay di maaring baguhin silang muli sa pagsisisi; yamang kanilang ipinapapakong muli sa sa ganang kanilang sarili ang Ang ng Dios, at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan."
Sa isip ng taong ito, ang isinalaysay ay tamang-tama sa kaniya. Naliwanagan na siya ng Salita ng Dios. Nalasahan na niya ang makalangit na regalo ng pagtatawad. Naranasan na niya an hipo ng Banal na Espiritu. Nguni’t sa ngayon, ang pangangatuwiran niya, "Inilagay ko si Jesus sa hayag na kahihiyan. Ang makalanang buhay ay nagpapako kay Cristo araw-araw. "Ang mga salitang ito ay patuloy niyang naririnig: "Imposible na sa mga nagkasala ang mabago pa."
Ang sermon na iyon ay nagsarado ng huling pag-asa niya. Ngayon, habang naglalakad siya sa simbahan palabas ng pintuan, pakiramdaman niya ay patungo siya sa walang hanggang pagpaparusa. Hindi siya maaring makipagtalo sa Mga Salita ng Dios. Siya ay naniniwalang siya ay nakatalagang mamuhay sa mga nalalabing araw sa pagdudurusa at kawalang pag-asa.
Sa ngayon, libo-libong minsang matapat na mananampalataya ay bumagsak sa parehong kalagayan ng taong ito. Minsan, lumayo sila sa Dios, nagkasala ng malubha at bumagsak mula sa awa. Ngayon ay namumuhay na tahasang kalaban sa liwanag na kanilang misang tinanggap. At sila ay naniniwala na malayo na sila sa anomang pag-asa na maligtas pang muli.
Ito ba ay naglalarawan sa inyo, o kaya isa sa kakilala niyo? Kung ganoon, nais kong ibigay ang parahong mensahe na ibinigay ko sa taong ito:
Bilang tagapagsimula ng "Teen Challenge Ministry", nakita ko ang libo-libong mga tao na naligtas kay Cristo. Marami sa mga kaluluwa na ito ay sadyang walang ng pag-asa. Kasama na rito ang mga sugapa sa bawal na gamot at mga sugapa sa pag-inom, mga nagbebenta ng bawal na gamot at mga magnanakaw, mga bakla at mga nagbebenta ng panadaliang aliw, mga walang Dios at mga sumasamba sa demonyo, matitigas na kriminal ang mga miyembro ng mga gang. Minasdan ko sila na may pagkamangha habang sila ay nababago sa kapangyarihan ni Cristo. Tumanggap sila ng pagpapagaling, pagbabago, tunay na kalayaan mula sa pagkagapos. At sila ay lumago ng malakas sa Salita ng Dios at awa.
Nguni’t, may mga sandali, hinihikayat pa rin sila ni Satanas na bumalik sa lumang uri ng pamumuhay. Kapag bumagsak sila, isinisigaw sa kanilang "Masyado kang makasalan para maligtas. Isinumpa ka, hindi maaring tulungan, hindi maaring makalaya. Hindi ka na maaaring makabalik kay Jesus ngayon."
Naisip ko ang kabataang mag-asawa na dumating sa ating gawain mula sa lansangan maraming taon na ang nakaraan, James and Mary Thomas. Ang parehang ito ay walang tahanan at nagnanakaw para masuportahan ang pagka-adik nila sa heroin. Noong pumasok sila sa pintuan natin sila ay parang mga patay. Ang isip ni James ay napakalabo at nasa kalituhan, masyadong pinapurol ng bawal na gamot na halos hindi na mabigkas ang kanyang pangalan. Si Mary ay sugapa sa alak, kawawang buto at balat.
Nguni’t ang Dios ay gumawa ng kawigaaan sa magasawang ito. Parehong naligtas. Ipinanumbalik ng Panginoon ang pangangatawan nila, nagkakulay muli ang mga mukha nila at naglagay rin ng timbang sa kanilang mga katawan. Ipinanumbalik rin ang kaisipan . Si James, lalo na nga ay matalinong tao. Sa maiksing panahon, nagaral sa sarili niya ng salitang Greek at Hebrew. Ipinadala namin pareho sa paaralan ng Biblia, kung saan napahanga ni James ang mga guro niya. "Wala na akong maituturo sa iyo. Mas marami ka pang alam kaysa sa akin."
Ng sila ay makatapos, si James at Mary ay tumungo sa California, kung saan nag-umpisa sila ng gawain para sa mga bilanggo. Naglingkod sila pareho ng mga labindalawang taon, naglingkod sa mga daan-daang mga bilanggo. Si James ay nangaral at nag-turo ng Biblia, habang si Mary ay nagpayo at tumulong sa mga babaeng may problema. Sa mata namin, ang mag-asawang ito ay naging "tropies" ng awa ng Dios. Sila ay tumayo na maningning na halimbawa ng kapangyarihan ni Jesus na mabago ang pinakawala ng pagasang mga buhay.
Sa isang bahagi, nguni’t, pagkatapos ng maraming taon ng pinagpapala ng Dios, si Mary ay nawalan ng pag-asang magpatuloy sa gawain. Hinikayat ni satanan na bumalik siya sa pag-inom ng alkohol. Ang mga sumunod na mga araw ay buhay ng impeyerno sa mga Thomases. Habang si James ay nalilingkod sa mga bilanggo, si Mary ay tumatakas naman patungo sa mga bars. Kung minsan siya ay nawawala ng buong gabi. Lumalabas naman si James para hanapin siya, kadalasan natatagpuan niya ito nakahiga sa kanal, walang malay. Kapag nahihimasmasan na, sabi niya, "Wala akong alam kung ano ang nangyari. Bumalik muli ako sa dati. Hindi ko masira ang nakagawian ko na."
Hanggang isang gabi nawala si Mary, at hindi matagpuan ni James. Maraming mga linggo ang nakaraan. Lubhang nagalala si James sa panahong iyon, at inimbita naming dumalaw siya sa punong tanggapan sa Texas. Hindi pa ako nakakita ng taong masyadaong sugatan. Nguni’t, sabi niya, "Hindi ako uurong sa kanya. Alam ko kung ano ang ginawa ng Dios sa amin."
Pagkatapos ng tatlong araw, tumawag si Mary mula sa hospital. Natagpuan ng mga pulisya na halos kalahati na siyang patay sa gitna ng lansangan. Nasalanta ang kanyang katawan ng napakasama dahil sa kagustuhan ng kaligayahan. Lumipad si James para kuhanin siya, at ibinalik siya sa ating rantso para gumaling. Noong dumating sila, walang makakilala sa kanya. Ang mukha niya ay naiba ang anyo, maga ang mga labi, ang balat ay kulay itim at asul.
Nagpahinga si Mary at nagpagaling, nagumpisa kaming lahat na magpadama ng pagmamahal ng Dios sa kanya. Nguni’t hindi niya matanggap ito. Alam niya ang Hebreo 6:4-6 sa puso niya, and sinabi niya ito sa amin: "Imposible na kanila na mabago, kapag sila ay lumayo." Alam niyang nalasahan na niya ang makalangit na regalo at nakakain na rin siya ng Salit ang Dios. Ngayon siya ay nanginginig sa katotohanan na pinapako na naman niya ang tagapagligtas. Ang masasabi lamang niya ay, "Tapos na sa akin. Minsan akong nangaral sa iba. Nguni’t tingnan ninyo ang nangyari sa akin. Inayawan ko ang pagmamahal ni Jesus. Nagkasala ako sa liwanag. Hindi na ako maaring ibalik pa niyang muli." Akala niya ay nakatalaga siyang bumagsak sa kanyang masamang bisyo, at tatapusin na lamang ang buhay sa lansangan. Ngayon ang nais na lamang niya ay mamatay.
Babalik ako sa kasaysayan ni Mary. Nguni’t sa ngayon, nais kung alamin ang kahulugan ng saknong na, "ito ay imposible…..na baguhin sila." Para kanino, talaga, ito ay imposible?
Alam ni Mary Thomas na mahal ko siya. Iginagalang rin niya ako bilang ministro ng Salita ng Dios. Nguni’t, ganoon pa man, hindi maabot si Mary. Walang pangako sa Salita ng Dios na maaring makahipo sa kanya. Hindi rin ang kanyang makadios na awa at pagmamahal ng kanyang asawa ang makapagpagalaw sa kanya. Mukhang sarado ang kanyang mga tainga, matigas ang puso, malayo sa pagkilala ng kasalanan ang kaluluwa niya.
Nakakatakot na subukang magministeryo sa mananampalatayang bumagsak ng malalim sa kasalalan. Para bang mas makadios ang tao noon, mas matigas siyang maabot kapag siya ay bumagsak. Maaring mangusap kayo bilang tagapagsalita ng Dios, ipamuhay ang mga sangkap ng awa at kalungkutan ng krus na nasa harapan niya, mangusap sa kanya ng pinakapuso si Jesus- nguni’t ang puso niya ay mananatiling parang bato. Sabi niya, "pakiramdamdam ko ako ay nasa pangpang ng itim na butas. Minsang ako ay bumagsak, hindi na ako makakalabas. Nguni’t wala akong kapangyarihan para makalawala. Natatakot akong mawawala ko ito, at matatapos sa impeyerno."
Nagpropesiya si Jeremias ng ganitong kalagayan: "At iyong sasalitaan ang lahat na salitang ito sa kanila; nguni’t hindi sila mangakikinig sa iyo: iyo namang tatawagin sila; nguni’t hindi sila magsisisagot sa iyo: (Jeremias 7:27). Ganoon rin, sinabi ni Jesus doon sa pinatigas na ang mga puso sa kaniyang Salita: "Sapagka’t kumapal ang puso ng bayang ito, At mahirap na mangakarinig ang kanilang mga tainga…..At kanilang ipinikit ang kanilang mga mata" (Mateo 13:15).
Nakita ko na ang napakarami ng masasamang tao na tumugon sa aking pangangaral. Kasama na rito ang pinakagrabeng makasalanan: mapanganib na pinunu ng gang, mga pinunu ng samahan ng labintatlong mangagaway, mga lalakeng kilala sa pangaabuso ng babae, kahit na mga mamatay ng tao. Bago sila lumapit kaya Jesus, sila ay pinatigas na ng kasalanan. Nguni’t hindi sila pinatigas sa gospel, na inihalintulad sa Mga Hebreo 6:4-6. Sinasabi ko sa inyo, imposible sa sinomang ministro na maabot at baguhin ang ganitong mga bumagsak na mananampalataya. Bakit? Pinayagan nilang papaniwalain sila ng demonyo, "Nagkasala ka ng madalas laban sa liwanag. At ngayon masyado ng huli para sa iyo. Hindi ka basta maabot."
Walang nagmahal ng mabuti sa kanyang asawang babae na katulad ni James Thomas. Ang taong ito hindi huminto sa pagmamahal kay Mary, kahit na siya ay naglarong patutot. Namangha ako habang minamasdan ko siyang inaalagaan si Mary noong masasakit, at napakahirap na mga araw na iyon. Ang babaeng ito ay ginamit at sinaktang malubha ng ibang lalake. Nguni’t ngayon ang kanyang asawa ay mapagtiis na nakaupo sa tabi niya habang minamasahe ang mga sugat, hinugasan ang mukha at tumatangis sa tabi niya.
Nguni’t mas nakakamangha na ang magiting na pag-ibig at awa ni James kay Mary ay hindi nagpalambot sa puso niya. Basta hindi siya mapakikilos, kahit na ng mga luha o kabaitan pa. Para bang siya ay totohanang lagpas na pangabot ng ano mang makataong gawi o kapangyarihan.
Nakita ko rin ang parehong uri ng paglayo sa namamaling landas, mga mandarayang asawang lalake na iniwan ang kanilang pamilya. Ang asawang ay nagmakaawa sa kanila, "Mahal, pinatatawad na kita, wala akong pakialam kung ano ang ginawa mo. Mag-asawa tayo ng dalawampu’t limang taon na, at nais kong ang mabuo ang pag-sasama natin." Ang mga anak ay hinanawakan ang paa ng ama nila at umiiyak, "Daddy, bakit mo kami iiwanan? Huwag kang umalis. Huwag mong iwanan ang Mommy at kami." Nguni’t walang makapagpapahinuhod sa mga lalakeng ito. Sila ay sugapa na ibang babae, at handa nilang itapon ang buhay nila pati na ang pamilya nila. Walang anomang halaga ng pagmamahal ang makakaabot sa kanila.
May alam akong batang pastor, mabuting tao na kasal sa isang magandang batang babae. Ang mistrong ito ay mabuting patotoo dito sa mga langasang ng New York. Ang pangangaral niya ay nakapagligtas ng maraming mga adik sa bawal na gamot na patungo kay Jesus. Siya ay mabuting tagapagturo, nagtuturo ng landas na patungo kay Jesus sa mga naligtas ng mga adik at mga sugapa sa alak.
At pagkatapos, sa isang ponto, ang pastor na ito ay nagumpisa na maglaro ng malalaswang panoorin. Kamaka-maka, naging sugapa siya, at totohanang nakuha ang buhay niya. Ng malaman ng asawang babae ang patungkol kito, nagmatigas pa siya, "Hindi ako hihinto dito." Sa halip, sabi niya, nais kong makisali ka dito. Natakot ang asawang babae. Noong tumanggi siya, nagalit ang lalake at nagumpisang makipagkita sa ibang babae.
Sa loob ng mga linggo, ang asawang babae ay nagmakaawa sa lalake, "Alam mong ibinubukas mo ang kaluluwa mo sa demonyo. Kapag hindi huminto, hahawakan ka ni Satanas." Nguni’t hindi siya nakinig. Sa katapusan, nagmakaawa ang asawang babae sa akin na kausapin ang lalake. Ginawa ko yoon, pinalalahanan ang batang ministro ang gawain ng Dios sa buhay niya, ang maliwanag na pagpapaalala ng Biblia, at ng aming pagmamahal sa kanya.
"Masyado ng huli," ang sabi niya. "Adik na ako. Iniwan ko na ang ministeryo, at hindi ko na mahal ang asawa ko. Hindi na ako maaring magbalik sa ngayon." Ipinaliwanag sa akin na sa pagkakasala, inilalagay niya si Jesus sa hayag na kahihiyan. Kung ganoon, imposible na para sa akin nga mabago pa.
Sinalangsang ko siya, "Hindi mahalaga kung ano ang ginawa mo. Si Jesus ay may lahat ng kapangyarihan para makalaya ka. Maaari nating kunin ang kapangyarihang ito laban sa pagkakagapos mo sa pangalan niya, at ikaw ay makalalaya ngayon din." Nguni’t iniling niya ang ulo niya at tumanggi. Hindi siya maaring himukin. Ngayon, siya kasal sa isang mangagaway at malalim na nasa gawain ng "occult". Siya totohanang nawala na.
Ang makataong pagmamahal at pangangatuwiran ay hindi basta makapagpipigtas sa hawak ng ganitong uri ng kasalanan.
Si Mary Thomas ay nakaunawa ng husto na ang kaparusahan sa kasalanan ay kamatayan. Alam rin niyang na ang bawat kasalanan na ginagawa ay nasulat, at nagdadagdag sa kanya ng kabigatan. Mga ilang buwan bago pa, ito ring babaeng ito ang nagpapaalala sa iba na umalis sa kasalanan at iwasan ang galit ng Dios. Nguni’t yoong mga bagay na iyon ay wala na sa kanaya sa ngayon.
Namasdan ko rin ang ganitong uri ng pagmamatigas sa mga biktima ng AIDS kamakailan. Ang isang batang lalake mula sa ating simbahan ay humingi ng panalangin sa akin para sa kanyang kapatid na lalake, na mayroong lamang ilang oras para mabuhay. Noong pumasok kami sa silid ng pagamutang iyon, ang mamataying pasyenteng ito ay nanonood ng pelikula sa television. Habang nakatayo ako na malapit sa kanya, nagtanong ako, "Anak, sa ilang mga sandali lamang ay tatayo ka na sa walang hanggan. Nauunawaan mo ba iyon? Hindi man siya nagkurap ng mata. Patuloy siyang nanood sa pelikula. At nagtanong ako, "Maari bang manalangin na kasama ka?" Sumagot siya, "Wala akong pakialam. Noong tumingin ako, ang mga mata niya ay nakapako pa rin sa television. Anong kabulagan ang dinadala ni Satanas, kahit na sa harapan ng walang hanggan.
Maraming bumagsak na Cristiano ang nagsabi sa akin, "Bakit ang kaisipan ng impeyerno ay bumabagabag sa iyo? Nasa impeyerno na ako." Sa isang banda, tama sila: imperyerno ang gumising sa umaga araw-araw na may malabong ulap na nasa itaas ng ulo mo. Impeyerno na pinakikilos ka ng bisyo mo na hindi alam ihinto, namumuhay na parang isang hayop, humahanap lamang ng kaligayan. Pagkatapos, kahit na ang iyong sariling pakiramdadam ay tuyot na rin. Bawal na gamot, kamunduhan, pagtitipon wala na ring kahulugan. Hindi na ito makapagdala ng aliw ay kaligayahan. Sa halip, nagiiwan lamang ito ng lungkot at sakit, umiiyak, "Namumuhay ako sa impeyerno."
Impeyerno na mawala ang iyong pananampalataya, na mawala ang lahat ng pag-asa, na mawala ang iyong pamilya at mga mahal sa buhay. At pinakahuli, nag-iisa ka na ang iyong makasalang sarili lamang ang kasama. Lumayo ka sa Dios, at alam mong nakipagkagalit ka sa harapan niya. Kaya’t patuloy kang namumuhay araw-araw na naghahangad ng gabi, at kapag gabi naman ay naghahangad ka ng araw.
OO, nagkasala ka sa laban sa matinding liwanag. Nalasahan mo ang kabutihan ng Dios at ng Salita Niya. At oo, ipinapako mo si Jesus araw-araw, inilalagay mo siya sa hayag na kahihiyaan. Lumalayo ka sa krus, patungo sa malalim na kasalanan. OO, imposible sa sinomang mangangaral, o mga mahal sa buhay, o mga paalala sa paghuhukom ng Dios ang makapagpapakilos sa iyo para magsisi.
Nguni’t wala sa Banal na Kasulatan na nagsasabi na imposible sa Dios na gawain ang gawain niya sa iyo. Sinabi ni Jesus sa atin na sa Dios, walang imposible: "Datapuwa’t sinabi niya, Ang mga bagay na di mangyayari sa mga to aymay pangyayari sa Dios." (Lucas 18:27).
Totoo, walang tao ay masyadong malayo na para sa Panginoon ay iligtas, na may isang hindi maari: ang taong gumawa ng hindi mapapatawad na kasalanan. Ang kasalanang ito ay nangyayari kapag ang dating mananampalataya ay pasinungalingan ang gawa ng Banal na Espiritu ay gawa ng demonyo. Ang taong ito ay totohanang nag-alis na kay Cristo sa puso niya. Dahil dito, nagpakita siya ng pagpapako sa sarili niya, sinadyang patayin ang lahat ng pagmamahal at kagustuhan ni Jesus. Ang taong hindi na mababago.
Siyempre, yoong mga natatakot na nagkasala ng walang kapatawaran ay totoong hindi naman. Bakit alam ko ito? Ang katotohanang sila ay nababagabag na tungkol dito. Nakita mo, para magkaroon ka ng kasalanang walang kapatawaran ay nangangailangan ng buong pagsusuri ng kaluluwa. Sa ganitong kalagayan, ang pagmamahal ng tao kay Jesus ay napapalian ng pagkagalit sa Dios. Ang taong ito ay nagliliglig ng mga kamao sa Dios at nagsasabi, "Ayaw ko na nang makarinig na muli sa iyo." Inuukyukan pa niya ang Dios na ipadala siya sa impeyerno. Ang taong ito ay nagagalit sa anomang banal at malinis. At naghahanap siya ng pagkakataong ipako si Jesus muli. Pinasisinungalingan niya ang lahat na may kinalalaman sa Dios, katulad ng sinasabing, "si Jesus ay bakla."
Kung sa palagay mong nakagawa ka ng walang kapatawarang kasalanan, isaalang-alang ninyo ang Jeremias 30. Ang buong saknong ay naglalahad ng pagkabihag ng Dios laban sa Israel. Sabi ng Dios sa mga tao, "nabigyan na kayo ng napakatinding liwanag. Pinagpala ko kayo at binigyan ng napalaking pakikipagkasundo at mga pangako. Nguni’t ang sagot ninyo ay ang pagtalikod sa akin."
Nagpropesiya si Jeremias sa kanila, "Sapagka’t ganito ang sabi ng Panginoon, Ang iyong sakit ay walang kagamutan, at ang iyong sugat ay mabigat. Walang makipaglaban ng iyong usapin upang ikaw ay mapagaling: ikaw ay walang mga panggamot na nakagagaling. Nilimot ka ng lahat na mangingibig sa iyo; hindi ka nila hinahanap: sapagka’t sinugatan kita ng sugat ng kaaway, ng parusa ng mabasik; dahil sa kalakhan ng iyong kasamaan, sapagka’t ang iyong mga kasalanan ay dumami…. Ang iyong hirap ay walang kagamutan: dahil sa kalakhan ng iyong kasamaan, aking ginawa ang mga bagay na ito sa iyo" (Jeremias 30:12:15).
Ang sinasabi ng Panginoon ay, "Ang napakasama mong mga ginawa ang nagbigay ng sakit sa
Iyo. Naging masyadong kang masama. At ngayon ang iyong mga sugat ay malalim, hindi na gagaling. Walang kagamutan para sa iyo."
Nguni’t, ang sinasabing kagamutan ng Dios dito ay panggagamot ng tao. Walang kapangyirahan sa mundo na makapagpapagaling ng sugat mo. Ito ay malayong mangyari. Nguni’t hindi ito imposible sa Dios. Dalawang versikulo pagkatapos, sinabi ng Panginoon sa mga walang kagalingang mga tao, "Sapagka’t pagiginhawahin kita, at pagagalingin kita sa iyong mga sugat, sabi ng Panginon; kanilang tinawag ka ng tapon, na sinasabi, Ito ang Sion, na hindi hinahanap ng sinoman" (30-17).
Sinasabi ng Dios sa mga tao, "Lahat ay umayaw na sa iyo, nagsasabing wala ka na. Nakita ka nilang nawalang bata, walang pag-asa ay pinabayaan. Nguni’t, dahil dito, gagamutin kita. Lahat sila ay nagsasabi na pangtapon ka, manginginom, at mula pa ay walang halaga. Nguni’t pagagaling kita. Magiging maawain ako sa iyo, at gagamutin ko ang mga sugat mo."
Ito mismo ang ginawa ng Panginoon kay Mary Thomas. Inayawan na siya ng mga tao, kasama na ang mga mapagmahal na kaibigan. Hindi nila makayanan ang kawalang pag-asang kalagayan. Nakita nila siyang walang pagsisisi, palanginom, nakikisama sa kung sino-sinong lalake, at naniniwalang ibinigay na nga siya ng Dios sa kanyang mga kasalanan. Sabi nila, dapat ng hiwalayan na siya ni James at ilagay sa isang intitusyon." Kahit na ang matapat na si James ay nawala na rin ang walang hanggang pag-asa. Sa isang ponto, nasabi niya sa akin, "Nakararamdam ako ng kawalan ng tulong. Aywan ko kung makakalagpas pa ba siya dito."
Mga minamahal, ang mundo ay itatakwil kayo. Kahit na ang pamilya mo at mga kaibigan mo. Nguni’t ang mga pangako ng Dios, "Hindi kita hahayaan. Ililigtas kita, gagamutin bawat sugat sa katawan man o kaluluwa."
Walang nakapagpabago sa mga sinabi ng tao kay Mary. Hindi na siya mapakilos ng pag-ibig, awa o takot. Nguni’t ang milagro ay nagumpisa sa walang pag-asang babaeng ito noong mangusap siya ng malalim, pagtangis sa loob. Ang pagtangis niya ay may dalawang salita lamang: "Panginoon, tulong." At sa mga sandaling iyon, ni hindi makapanalangin si Mary. Hindi niya madala ang sarili niya sa pagtawag sa Dios. Nguni’t, paulit-ulit, malalim sa puso niya, umiyak siya, "Jesus, tulungan mo ako." Katapusan, nagumpisa siya mismo na lagyan ng tinig ang mga salita: "Panginoon, mababang-mababa na ako, malalim sa kasalalan. Maari ba, tulungan mo ako."
Ang mga pag-iyak ni Mary ay nagkakasing tunog ng mga pagdaing ni David sa Panginoon: "Mula sa mga kalaliman ay dumain ako sa iyo, Oh Panginoon" (Mga Awit 130:1). "Sa aking kahirapan ay dumaing ako sa Panginoon, at sinagot niya ako" (120:1). Katulad ni David, nalagyan ng tinig ang iyak ni Mary. At narinig siya ng Dios.
Isang araw, sa kung saan nangaling, tumulo ang mga luha sa mukha ni Mary. Ang Banal na Espiritu ay pumaroon sa silid ni Mary, at lahat ng mga takot ay kawalang pag-asa ni Mary ay nagpatuloy na umagos. Ang kapangyarihan ng pagpapatawad ni Cristo ay bumaha sa kanyang kaluluwa ang naghugas sa lahat ng marumi, galit at mga kasalanan. Hindi nagtagal, napuno ng tuwa ang kaluluwa niya, at nagumpisa siyang tumawa at magalak. Lahat kami ay nagmasid na may pagkamangha habang siya ay napanumbalik, nabagong babae itinaas ang mga kamay at nag-umpisang magpuri sa Panginoon. Lahat ng naroon sa araw na iyon ay nakaalam na ang Panginoon ay nagumpisa ng isang napakalaki at bagong gawain kay Mary, nililinis siya at binabago ang buhay.
Si James at Mary ay natapos na pabalik sa California, kung saan nagpatuloy sila sa gawain nila sa pagmiministeryo sa mga bilango. Ang kanilang mabuting pagsasama bilang mag-asawa ay naibalik. At nakaranas sila ng buong pagpapala ng Dios sa buhay nila.
Namatay na si Thomas noong isang taon. Pumaroon na siya sa kanyang mapagmahal na tagapagligtas, matapat na tagapaglingkod. At pagkatapos noon, matapat na humalili si Mary sa gawain nila sa ministri. At pagkatapos, noong nakaraang Marso, namatay si Mary. Sa kapangyarihan ng Dios at awa, si Mary Thomas ay pumaroon sa kaluwalhatian ang malakas na sundalo para kay Jesus. Ang buhay niya at patotoo ay nagpapatunay sa Lucas 18:27: Datapuwa’t sinabi niya, Ang mga bagay na di mangyayari sa mga tao ay may pangyayari sa Dios.
Maaaring, katulad ni Mary, bumagsak kayo sa awa, sa ibang banda. Naniniwala kayong itinakwil na kayo ng iba, at pakiramdam ninyo kayo ay nawala na ay pinabayaan. Sabi ni David na itinakwil rin siya ng mga tao. "Nangasasabi, pinabayaan siya ng Dios….walang magliligtas’(Mga Awit 70:11). Kaya’t, ano ang ginawa ni David? Ginawa niya ang katulad ni Mary Thomas. Umiyak siya say kalaliman ng kanyang pagkasiphayo: "Oh Dios, huwag kang lumayo sa akin: Oh Dios ko, magmadali kang tulungan mo ako."(tingnan 71:12). Narinig ng Panginoon ang pagiyak ni David at siya ay pinagaling: "Ikaw na nagpakita sa amin ng marami at lubhang kabagabagan, bubuhayin mo uli kami, at ibabangon mo uli kami muli sa mga kalaliman ng lupa. Palaguin mo ang akng kadakilaan, at bumalik ka uli, at aliwin mo ako." (71:20-21).
Maaring ang Mga Hebreo 6:4-6 ay napaniwala kayong hindi na kayo mapapanumbalik para magsisi. Hindi na kayo bastang maniniwalang mapatatawad pa kayo ng Dios sa pagpapako ninyo kay Jesus araw-araw at paglalagay sa kanya sa hayag na kahihiyan. Akala ninyo ang kasalanan ninyo ay napakalalim na, masyadong nakagapos na, para pagalingin.
Sasabihin ko sa inyo, hindi pa ninyo napalumbay ang Dios na katulad ng ginawa ng Isarael. Tinawag ng Dios ang mga taong itong matitigas ang leeg at mga sumasamba sa dios-diosan, sinasabing, "…Ang aking pagiinit ay magalab laban sa kanila, at upang aking lupulin sila: (tingnan (Exodo 32:9-10). Datapuwa’t, sinasabi ng Banal na Kasulatan, nagsisi ang Dios sa kangyang mga galit laban sa mga tao niya. Sa halip, sabi niya, "Bakit sasalitain ng mga Egipcio, na sasabihin, Dahil sa kasamaan, inilabas sila upang patayin sila sa mga bundok….At pinagsisihan ng Panginoon ang kasamaan na kaniyang sinabing gagawin sa kaniyang bayan" (Exodo 32:12,14.).
Ang katotohanan ay, kahit saan marinig ng Dios ang ating malalim, may pagsisi na pagiyak, napakikilos natin ang puso niya. At matapat siyang tumutugon sa mga iyak natin, pinanunumbalik tayo, ginagamut, ang binabago para sa pagsisisi.
Maaring pinapagpapaliban pa ninyo ang pag-iyak sa kanya. Iniisip ninyo, "Kung maiaahon ako ng Dios sa hukay na ito, tiyak na makapaghihintay pa ako ng ilang sandali at makapagpapatuloy pa sa kasalanan." Datapuwa’t sabi ng Biblia sa atin, "Narito, ngayon ang panahong ukol, narito, ngayon ang araw ng kaligtasan" (II Mga Taga Corinto 6:2). Huwag ninyong isipin mapakaphihintay pa kayo ng ibang panahon para umiyak sa Panginoon. Ang panahon para sa inyo ay ngayon na.
Kaya’t, umiyak na kayo sa kanya sa araw na ito. Tapat siya para tulungan kayo, panumbalikin ang lahat na kinain ng mga uod. Nagnanais siyang bigyan kayo ng bagong puso, ng bagong simula. Walang imposible sa kanya!